Monday , August 15 2022
Bobby Bonifacio JC Santos Quinn Carrilo Cloe Barreto Tahan

JC kay Direk Bobby — brave & crazy

MA at PA
ni Rommel Placente

Samantala, kasama rin sa Tahan si JC Santos. Gumaganap siya rito bilang high school sweetheart ni Cloe. 

Ayon sa binata, first time niyang nakatrabaho si Cloe pero si Jaclyn ay naka-work niya na before.

Si Cloe, first time kong makatrabaho. I’ve worked with Miss Jaclyn Jose before sa ‘Magpakailanman,’ pero 2014 pa yun,” sabi ni JC.

Patuloy niya, “So, ngayon ko lang siya nakita ulit. And same, still respect the work and the presence and the work ethics.

“Si Cloe, I’m glad I worked with her, lalo na ‘yung team nila, ‘yung nagma-manage sa kanila, our producers.

“Kasi I really wanna work with them. Kasi bihira itong gumagawa ng ganito. I mean, they say it’s erotic, it’s sexy and bold.

“I think it’s brave. I’m glad na nakasama ako roon sa process nila. And Direk Bobby is crazy.Ha! Ha! Ha! Ha!” natatawang sabi pa niya.

“Medyo intense itong ano niya. Kasi first time kong magkaroon ng ganitong psychological thriller.”

Si JC ay madalas mapanood sa mga serye ng ABS-CBN. Pero wala siyang kontrata rito. Feelance actor siya, kaya pwede siyang gumawa ng serye sa GMA 7.

Of course! I wanna be a villain for Ruru Madrid or whoever, Dingdong Dantes, ‘di ba? Gusto ko silang makatrabaho, eh.

“Kasi lagi ko silang parang nakikita na lang sa events, hindi ko sila nakakatrabaho sa pelikula.

“At siyempre, hindi ko sila makakatrabaho sa ABS-CBN,” sabi pa ni JC.

Ang Tahan ay mapapanood sa Vivamax simula July 22, 2022.  Mag-subscribe na sa Vivamax sa web.vivamax.net.  Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store, at Huawei App Gallery.

About Rommel Placente

Check Also

Imee Marcos Maid in Malacanang

Maid in Malacanang patuloy na pinipilahan; Sen Imee tiyak ang pagtulong sa industriya

COOL JOE!ni Joe Barrameda TULOY-TULOY ang mga nanonood ng Maid In Malacanang na tumatabo sa takilya. Ang …

Arrah Garcia

Arrah Garcia, type maging kontrabida sa pelikula

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG newbie actress na si Arrah Garcia ay kabilang sa …

Sean de Guzman Cloe Barreto

Sean de Guzman, nagulo ang buhay dahil kay Cloe Barreto

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LANGIT sa kama ang mararanasan ng isang lalaki kasama ang …

ABS-CBN TV5 MVP Mediaquest Mark Lopez Carlo Katigbak Jane Basas Al Panlilio

Pagsasanib ng ABS-CBN at TV5 pinalawak pa: Investment signing agreement sinelyuhan 

LEVEL-UP na ang pagsasanib-puwersa ng ABS-CBN at TV5 matapos ang naganap na contract signing para sa isa na namang …

Arnel Ignacio malacanan

Arnell itinalagang OWWA Administrator, pag-aartista ‘di iiwan

MA at PAni Rommel Placente BONGGA si Arnell Ignacio dahil may posisyon na ulit siya sa gobyerno, …