Ruru Madrid Bianca Umali

Ruru nakapagpadala pa ng rosas kay Bianca kahit nasa South Korea

I-FLEX
ni Jun Nardo

HINDI sagabal ang layo ni Ruru Madrid kay Bianca Umali kahit  nasa South Korea siya para sa taping ng Running Man Ph.

Pinadalhan ni Ruru ng pulang rosas si Bianca na upinost niya sa kanyang Instagram habang inaamoy ni Bianca.

Since the day I met you, my life has never been the same. Amishuuu,” caption ni Ruru sa picture ni Bianca sa Instagram.

Tugon naman sa comment section ni Bianca, “I miss you.”

May pakilig photo naman si Bianca sa kanyang IG ng cheek to cheek pic nila ni Ruru na may caption na, “If it’s not you, it’s not anyone!”

Tatlong heart emojis naman ang inilagay ni Ruru sa comment.

Tamisssssss!