Thursday , June 4 2026
Beauty Gonzalez Eat Bulaga

2 shows nagkampihan
EAT BULAGA! PILIT NA PINABABAGSAK  

BAKBAKAN ng noontime shows sa free TV simula sa Sabado, Hulyo 16.

Nagkampihan na ang dalawang noontime shows upang pataubin ang longest running noontime show na Eat Bulaga. Marami nang sumubok pataubin ang Bulaga pero hindi ito nagtagumpay.

Eh ang ipalalabas ng Bulaga sa Sabado ay ang grand finals ng pakontes nilang Dancing Kween! Aba, P500K ang take home ng mananalo kaya bardagulan sa hatawan ang finalists na “exceptional individuals,” huh!

Ang isa pa sa sorpresa na makikita sa Bulaga sa Sabado ay ang presence ni Beauty Gonzalez bilang guest co-host kasama ang EB Dabarkads. May Instagram post si Beauty na mapapanood siya sa Bulaga pero biglang nawala ‘yon.

Hot mama si Beauty kaya dagdag-atraksiyon siya sa programa kasama ang mga baguhang Dabarkads na sina Maja Salvador at Miles Ocampo.

Siyempre, pasabog tiyak ang magiging choices sa Bawal Judgmental na paboritong segment ng EB viewers.

Doon na kayo sa matatag nang programa na nagbibigay-saya na, nakatutulong pa!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …