Monday , August 15 2022
Sa mga nawawalang kabataang babae GOB FERNANDO, BULPPO NAGLINAW SA ‘MALING’ ULAT

Sa mga nawawalang kabataang babae
GOB. FERNANDO, BULPPO NAGLINAW SA ‘MALING’ ULAT

INILINAW ni Bulacan Gov. Daniel Fernando at ng Bulacan PPO ang mga maling impormasyon at ulat na kumakalat sa social media platforms hinggil sa magkakasunod na kaso ng mga nawawalang dalagang nasa edad 13 hanggang 25 anyos sa lalawigan ng Bulacan.

Sa isang press conference na pinangunahan ng Provincial Public Affairs Office sa Balagtas Hall, Hiyas ng Bulacan Convention Center, sa lungsod ng Malolos, nitong Huwebes ng hapon, 7 Hulyo, ibinahagi ni Fernando ang kanyang agarang direktiba sa Bulacan PPO matapos kumalat sa social media ang kaso ng mga nawawalang dalaga.

“Agad-agad ay tinawagan natin at inalarma ang ating PNP at nagbigay tayo ng direktiba na ito ay imbestigahan kung ano ba ang dahilan kung bakit nagkaroon ng mga missing na naka-post sa social media. Wala pang 48 hours ay agad na nagbigay ng report about sa investigation hanggang nagkaroon ng mga reaction sa social media na hindi naman dapat; hindi maganda ang mga nangyayari roon sa social media dahil nagkaroon ng takot ang mga Bulakenyo. To clarify, ang cause po ng mga missing report natin ay hindi katulad noong sa namatay, iba ang dahilan at huwag ito i-relate doon,” paliwanag ni Fernando.

Ayon kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting Bulacan PPO Provincial Director, base sa kanilang imbestigasyon, karamihan sa mga naiulat na kaso ay sanhi ng “domestic issues” at hindi dahil sa mga sindikatong grupo na sinabing kumukuha sa mga kababahihan kabilang ang kaso ng menor de edad na nahanap sa The Fort, Taguig noong 28 Abril na may depresyon at kompirmadong nakauwi na sa kanila.

Isa pang kaso ang kinabibilangan ng isang menor de edad na hindi nagpaalam sa magulang tungkol sa kanilang group outing at naiulat na nawawala ngunit umuwi rin sa kanilang bahay matapos ang ilang araw.

Pinakabagong report ang tungkol sa isang menor de edad na may problema sa kanyang mga magulang na bumalik din sa kanyang pamilya kahapon matapos makipag-ugnayan sa kanyang mga kaibigan.

“We like to inform the public na wala pong isa mang insidente na sinasabing mayroong sort of criminal or group na dumudukot sa mga kabataang kababaihan for any reason. Ito po ay napatunayan natin at na-verify natin na wala pong katotohanan ‘yung ganoon. Iyan po ang gusto namin i-correct ni Governor,” ani Cabradilla.

Samantala, iniutos ni Fernando sa Bulacan PPO na magsagawa ng masusing imbestigasyon at pagsumikap upang maresolba ang kasong kinasasangkutan ng pagkamatay ni Princess Dianne Dayor, 24 anyos, mula sa Brgy. Tabang, Guiguinto, natagpuan ang bangkay noong Martes, 5 Hulyo, sa isang masukal na sapa sa pagitan ng Brgy. Tikay at Brgy. Tabang, habang hinihintay ang resulta ng awtopsiya.

Ipinag-utos ni Fernando na magsagawa ng pagpupulong kasama ang mga kapitan at mga opisyal sa barangay upang paigtingin ang seguridad sa bawat barangay lalo tuwing gabi.

“Napapansin ko, may mga barangay nang hindi nagroronda gabi-gabi. Dapat patuloy nating pasiglahin at paigtingin ang pagroronda para sa seguridad ng mga tao. Pati na rin ang police visibility 24 hours para mawala ang takot ng ating mga kababayan tungkol dito,” ani Fernando. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

shabu drug arrest

3 tulak huli sa buy-bust, p.1-M shabu nasamsam

NASABAT sa tatlong hinihinalang drug personalities ang mahigit P.1 milyon halaga ng shabu matapos matimbog …

shabu

2 drug suspects ‘nag-abutan’ ng shabu arestado

KULUNGAN ang kinasadlakan ng dalawang drug suspects matapos maaktohan ng mga pulis na nag-aabutan ng …

SAME SEX UNION

Mas marami pang dapat iprayoridad
PH HINDI PA HANDA SA SAME SEX UNION 

AMINADO si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III, hindi pa handa ang Filpinas para …

BJMP DepEd

1,000 tauhan ng BJMP, tutulong sa Brigada Eskwela 

MAGPAPAKALAT si Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Chief Jail Director Allan Iral ng …

dead gun

Octogenarian ‘nagbaril’ sa sentido

NAGBARIL sa sentido ang 83-anyos lolo sa loob ng kaniyang silid sa Barangay Holy Spirit, …