Thursday , August 18 2022
Rose Nono-Lin Saludo Excellence Awards 2

Negosyanteng si Rose Nono-Lin pinagkalooban ng Saludo Excellence Awards

RATED R
ni Rommel Gonzales

GINANAP kamakailan ang 2022 Saludo Excellence Awards sa Resorts World Manila  na pinarangalan ang mga natatanging indibidwal, grupo, korporasyon, at marami pang iba na hindi huminto sa pagtulong sa kapwa sa kasagsagan ng pandemya na dulot ng COVID-19.

Ilan sa mga ginawaran ng pagkilala ay sina coach Nilo Cacela (Humanitarian and Business Leadership Service); Jay Costura (Humanitarian Service and Outstanding Psychic Expert of the Year); Lamberto Reyes; Baliuag, Bulacan Municipal Councilor Ogie Baltazar (Humanitarian and Leadership Service); Angie Montero/St. Ignatius Academy and Alfredo Montero (Humanitarian and Business Leadership Service), Pulilan, Bulacan Municipal Councilor Reynaldo Clemente(Humanitarian and Leadership Service); Pulilan, Bulacan Municipal Mayor Maria Rosario Mariz Ochoa Montejo (Outstanding Public Servant/ Mayor of the Year); Florante Malimban (Humanitarian and Leadership Service); PDEA General Director Wilkins Villanueva (Humanitarian and Leadership Service); Joshua Almar de Guzman Juniller (Humanitarian and Leadership Service); at ang aming kaibigang businesswoman/entrepreneur/philanthropist  na si Rose Nono-Lin na ginawaran ng Humanitarian and Business Leadership Service award.

Sa speech ni Rose matapos niyang tanggapin ang kanyang plake ng pagkilala, sinabi nitong, “Thank you very much to Saludo Excellence Award, a platform where good works of organizations and individuals across different professions are celebrated to foster a culture of social responsibility.

“Ang inyo pong lingkod ay nagsimula sa mundo ng pribadong pagnenegosyo na hinangad ko na maibahagi sa nakararami ang mga biyayang aming nakamit.

“At naramdaman ko po ang agarang pagtulong o matugunan ang pangangailangan ng mga kababayan po natin sa gitna ng pandemya.

“Na tayong lahat, hanggang sa kasalukuyan, ay hinaharap pa rin po natin ito.

“In looking to their eyes, I truly saw their struggles just to survive. In holding their hands, it was me who felt their desire to hang on and to desire for a better place.

“Kaya rito ko mas naunawaan at naintindihan na sa ating mga kamay nakasalalay, sa mga kamay po natin na may kakayahang tumulong sa bawat isa sa atin ay dumadaloy ang pag-asa na may kasamang pag-alalay sa bawat isa sa kanila.

“Na magkaroon po tayo ng pagkakataon, pagkakataon na magkaroon ng pagkakapantay sa lipunan at magkaroon ng magandang kinabukasan.

“Again po, maraming-maraming salamat sa award na ito. 

“I’m so blessed to be here. Sa lahat po ng kapwa ko awardees, congratulations po sa inyo.

“At sa lahat ng manonood na nandito, let’s continue to help each other for a better future. God bless po sa ating lahat!”  

Mabuhay ka, Rose!

About Rommel Gonzales

Check Also

Ima Castro Sephy Francisco JC Juco Funpasaya sa Fiesta, Parine Na 2022

Ima, Sephy, at JC magpapasaya sa Funpasaya sa Fiesta, Parine Na! 2022

MATABILni John Fontanilla MAGBIBIGAY-SAYA sina Ima Castro at Sephy Francisco sa Funpasaya sa Fiesta, Parine Na! 2022 na gaganapin sa Barangay …

Jaya House Burn

Jaya huming ng tulong matapos masunog ang bahay sa US

MATABILni John Fontanilla MALUNGKOT si Jaya sa pagkasunog ng kanilang tahanan sa Amerika. Anito, “The last time we …

Coco Martin FPJ’s ANG PROBINSYANO

FPJ’S Ang Probinsyano finale winasak ang Youtube record, trending pa 

TINUTUKAN at pinag-usapan ng sambayanang Filipino ang pambansang pagtatapos ng FPJ’s Ang Probinsyanona nakapagtala ng  all-time high record na …

AQ Prime AMBS2

AQ Prime gustong makipag-collab sa AMBS 2

MATABILni John Fontanilla NAGING matagumpay ang launching ng AQ Prime streamingapp na maghahatid ng magaganda, de kalidad, …

Sean de Guzman The Influencer

Sean de Guzman may obsessed fan 

MATABILni John Fontanilla NAKARE-RELATE sa kanyang pinagbibidahang pelikula si Sean de Guzman, ang The Influencer kabituin si Cloe Barreto hatid …