Sunday , June 22 2025
Vince Rillon Sid Lucero Virgin Forrest

Vince Rillon nagulantang sa galing ni Sid

HARD TALK
ni Pilar Mateo

NASAKSIHAN nga namin sa special screening ang Vivamax’ Virgin Forest ni Direk Brillante Mendoza.

Oo at muli na namang nakitaan ng kanyang kahubdan ang protege ni Direk na si Vince Rillon. Masasabing level up na naman si Vince sa karakter niya bilang Roger sa pelikulang magsisimula nang mag-stream worldwide ngayong June 24, 2022.

Dahil de-kalibre ang kaeksena ni Vince, sa katauhan ni Sid Lucero, na gumaganap na isang photojpurnalist,  maraming beses siyang ginulat nito, hindi lang sa husay ng delivery sa kanyang karakter, kundi sa madaling pagsalang ni Sid na walang saplot. At walang plaster sa maseselang eksena.

“Siya na po ang peg ko pagdating sa ganoong eksena. Walang takot talaga. But at the same time, protektado ang mga kaeksena lalo at mga babae ito. Goal ko naman talaga eh, mas gumaling nang gumaling sa trabaho ko.”

Unti-unti na rin siyang nasasanay kapag napapansin na siya ng mga tao sa kanyang paglabas-labas. 

“Madalas po, ‘yung mga pelikula ko ang binabanggit nila. Lalo na ‘yung Sisid. Hanggang sa simbahan po. Sa SM Megamall. Masaya po siyempre.”

Nang matanong ang cast sa paniniwala nila sa virginity, na gusto sanang ikasa sa titulo ng pelikula, isa sa nahirapang magbigay ng sagot si Vince.

Para naman kasing matandang sinauna ang binata at konserbatibo pa rin sa ilang mga bagay.

Pero may ikinagulat kami sa isang paniniwala niya. Natawa kami na ‘di namin maintindihan.

Buong paniniwala pala niya wala nang nabubuhay na virgin sa panahong ito.

Haha! React lahat! Kulang na lang mag-name drop ng mga kilala namin.

Nauwi na sa usapan for my virgin eara ang wet dreams, sariling sikap at kung ano-ano pa.

But definitely, sinabi ko kay Vince na hindi ko ikaka-proud na at 26 eh, matawag pa at paniwalain ko ang mga tao na virgin pa ako!

Nabago kaya namin ang paniwala ng aktor? Na may mga birhen pa sa panahong ito? Choice man o sadyang napag-iwanan at taksilan ng panahon eh, isang katotohanan.

Basta ang Virgin Forest, gaya ng sabi ni Direk eh, walang pretensyon o anumang kaipokritahan. Na hindi remake ng dalawang naunang version. Na sa proyekto ni Peque Gallaga ay production and designer siya.

Iniayon na ang istorya sa kasalukuyang panahon. Ng mga kaganapang naghahanap pa rin ng pansin at mga kasagutan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Claudine Barretto

Claudine may pinagdaraanan, ninenega sa socmed

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MARAMI naman ang naawa kay Claudine Barretto dahil sa kasalukuyang pinagdaraanan na tila …

Marian Rivera Pokwang Jay Joseph Roncesvalles

Marian, Joseph, at Pokwang hurado sa isang dance competition

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UUPONG hurado sa Stars on the Floor ang dancing queen na si Marian Rivera kasama …

Alden Richards Stars on the Floor

Alden itinuturing na pinaka-da best ang Stars on the Floor 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PROUD na proud si Alden Richards bilang host ng Stars on the Floor na magsisimulang …

SB19

SB19 hakot award sa 2025 Music Rank Asian Choice Awards Japan  

MATABILni John Fontanilla BIG winner sa Music Rank Asian Choice Awards Japan 2025 ang tinaguriang King of …

Kyline Alcantara Ruffa Gutierrez

Kyline life lesson mula kay Ruffa: always choose yourself

MA at PAni Rommel Placente MAY bagong serye si Kyline Alcantara sa GMA 7. Ito ang Beauty Empire, na …