Friday , March 31 2023
Angelika Santiago

Angelika Santiago, game pagsabayin ang pagiging aktres at ramp model

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAKITA namin ang latest photo shoot ng Kapuso actress na si Angelika Santiago at na-impress kami nang husto. Bukod kasi sa lalong nag-bloom ang kanyang beauty, parang dalagang-dalaga na siya rito.

Nang kamustahin namin, ito ang kanyang sagot, “Okay lang po! Nag-eenjoy lang po sa vacation, hahaha!

“Bale, last time po, noong birthday ko actually, parang nag-debut photoshoot po ako. Noong May 30 po iyan, supposedly po kasi party sana siya since ‘di ko po na -celebrate yung birthday ko last year because of pandemic.

“So ikinoconsider ko po siya as late pre-debut ko. Sayang naman po kasi yung mga damit… and since di po natuloy, nag-shoot na lang po. After po nang shoot, kumain na lang po kami sa labas, hehehe.

“Para po kasi sa akin, mas better po na safe po yung buong family ko. Yun po kasi yung wish ko for my birthday. Kahit po kasi sabihin nating mababa yung cases, nandiyan pa rin po yung covid.

“Kaya as much as possible po, gusto ko safe lahat. ‘Tsaka siguro po yun na po yung best na gift sa akin noong birthday ko. Buo yung family ko, safe sila, and nag-enjoy din po,” mahabang pahayag pa ni Angelika.

Natutuwa rin ang aktres na kahit nakalipas ang isang taon, okay pa rin ang fit ng mga damit sa kanya.

Aniya, “Nagamit ko naman po lahat ng damit ko sa shoot! Tatlong gowns po kay Tito Renan Pacson at dalawang gowns po kay Jhajha Miranda.”

Aniya pa, “Mabuti nga po at kasya pa rin yung mga damit ko… opo, tumangkad po and lumaki ako nang kaunti… Pero thank God na lang po at kasya pa rin. Buti na lang po, noong time na yun ay may allowance nang kaunti.”

Parang nahihilig yata siyang mag-pictorial lately?

Tumawa muna si Angelika bago sumagot, “Hahaha! Fun din po kasi siya, actually. Before po kasi nagmo-model din po ako sa isang designer ng gown ko, si tito Renan Pacson. Last ko po is noong 2017 po yata or 2018. Iyong Manila Fashion Festival po.”

Dream ba niyang maging model dati?  “Hindi ko naman po dream talaga, parang dumating lang yung opportunity po and siyempre, ayaw ko naman pong ma-waste yun. Kaso ay naging artista, hehehe,” sambit pa ng dalaga na huling napanood sa Book-2 ng Prima Donnas.

Dagdag na esplika pa niya, “Before po, for fun lang, parang hobby lang. Kahit noong sa school po ay nagmo-model din po ako before. Siguro since 2013 pa po iyon, 10 years old po yata ako.”

So, if ever, okay pagsasabayin niya ang maging model at aktres?

“Yes po, puwede naman po, why not? Despite my height po. hahehe.

“Actually, noong nag-start po ako sa Prima Donnas, dapat po may runway po sana ako noon. Kaso akala po kasi namin super hectic ng schedule, kaya nag-decline po kami.”

Anyway, sa ngayon ay naghihintay ng bagong project si Angelika. Ang magandang teen actress ang brand ambassador ng GHPC Cosmetics at Glomar and GHPC G-Merchandise na available sa Lazada at Shopee. Ang ilan sa produkto nito ay MARPHEN C vitamins, ascorbic acid, KABOOM! Instant Coffee with Guarana Fruit Extract, KERAcream’ Shampoo-Therapy-Conditioner, B-ing White Glutathione, Jewels Ethyl Alcohol, at iba pa.

For more details, pls. check their Facebook page: GHPC Cosmetics.

About hataw tabloid

Check Also

Anne Barretto Hey Pretty Skin Red Era Rising Era Dynast

Hey Pretty Skin at RED nagsanib-puwersa para mapalago pa ang kanilang negosyo  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio BILANG paghahanda sa lalo pang paglaki ng kanilang kompanya, nakipag-partner …

Coco Martin Brillante Mendoza Apag

Ending ng Apag ‘pinakialaman’ ni Coco — Hindi kasi ‘yun tatak Brillante

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio AMINADO si Direk Brillante Mendoza na dalawang bersiyon ang ginawa niyang ending …

Romm Burlat Pira-Pirasong Pangarap

Direk Romm, biggest project ang Pira-Pirasong Pangarap

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Direk Romm Burlat na ang pelikulang Pira-Pirasong Pangarap …

Rhea Tan Beautéderm

Beautéderm, Rhea Tan, local endorsers, magkatuwang sa adbokasiya para sa single mothers, senior citizens, at underprivileged children

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG businesswoman na si Rhea Anicoche-Tan ay halos 15 years na sa skincare industry. …

Direk Brillante ‘di inakalang sisikat si Coco

RATED Rni Rommel Gonzales SI Brillante Mendoza ang direktor ng Masahista noong 2005, ang pelikulang ito ang pinakaunang lead …