Thursday , July 7 2022
Top Class Rise To P-Pop Stardom

Top 30 ng Top Class: Rise To P-Pop Stardom nagpatalbugan 

MATABIL
ni John Fontanilla

KANYA-KANYANG patalbugan pagdating sa pagpapakilala ng kani-kanilang sarili ang Top 30 trainees ng inaabangang P-Pop reality competition ng TV5, Cignal Entertainment, at Cornerstone Entertainment, ang Top Class: Rise to P-Pop Stardorm na  ginanap sa Glorietta Activity Center kamakailan.

Sa 30 student, may mga mahusay sumayaw, kumanta, at mag rap kaya naman tiyak mahihirapan ang kanilang mga mentor na binubuo nina KZ Tandingan, Shanti Dope, at Brian Puspos.

At kahit nga ang host nitong si Miss Universe 2018 Catriona Gray at mga co-host na sina Albie Casiño at Yukii Takahashi ay nagsabi na sobrang talented ang mga nakapasok sa Top 30 ng Top Class, kaya naman pahirapan kung sino ang isa-isang matatanggal sa mga ito.

Ang 30 Top Class contenders ay binubuo nina Dean Villareal, Bulacan; EL Mendoza, Batangas; LX Reyes, Bulacan; Justine Castillon, Cavite; Kim Huat Ng, Bacolod; Harvey Castro, Bataan; Joshuel Fajardo, Kuwait; Gilly Guzman, Quezon City; Kenzo Bautista, Bulacan; Seb Herrera, Laguna; Denver Dalman, Cebu; Francis Lim, Caloocan; Trick Santos, Caloocan; Jascel Valencia, Manila; Tanner Jude, Quezon City; Jon Laureles, Spain; Clyde Garcia, Ilocos; Matt Cruz, Bicol; Timothy Tiu, Quezon City; Brian Zamora, Makati City; Jeff Cabrera, Cebu; Roj Concepcion, Bulacan; Jai Gonzales, Mandaluyong; Chase Peralta, Katipunan; Dave Bono, Tondo; Ash Rivera, Baguio; JC Dacillo, Bulacan; RZ Condor, Cebu; Niko Badayos, Bacolod; at Gab Salvador, Batangas.

Mapapanood ang Top Class: The Rise to P-Pop Stardom simula  sa June 18 sa Kumu (daily streaming) at sa TV5 (tuwing Sabado).

About John Fontanilla

Check Also

Running Man PH

Running Man PH cast nag-food trip sa South Korea

I-FLEXni Jun Nardo FOOD trip at pasyal sa South Korea ang cast ng Running Man PH habang …

Pokwang Ella Cruz

Pokwang binuweltahan ng fans ni Ella  

I-FLEXni Jun Nardo KINAMPIHAN pero nabatikos din si Pokwang sa komento niya sa statement ni Ella Cruz na “history …

Blind Item, male star, 2 male, gay

Beki handang suportahan si male star ‘pag mawalan ng trabaho

ni Ed de Leon NAGSABI naman daw ang isang bading na ka-on din yata ng isang male star na …

coco martin ang probinsyano

Seryeng nagsasabing tinalo ang Ang Probinsyano ‘di makatotohanan

HATAWANni Ed de Leon PARANG unfair naman iyong basta may bagong serye ang sinasabi agad …

Ambeth Ocampo Ella Cruz

Pinoy historian umentra sa pasabog ni Ella

HATAWANni Ed de Leon ANG lakas ng tawa namin nang makita sa isang social media …