Thursday , June 4 2026
Diego Loyzaga Bongbong Marcos

Diego proud at excited maging BBM — Tawagin n’yo rin po akong loyalist 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

INILANTAD ni Diego Loyzaga na isa siyang Marcos loyalist nang mapiling gumanap na Bongbong Marcos sa pelikulang Maid in Malacanang na ididirehe ni Darryl Yap. Ang kanyang amang si Cesar Montano naman ang napisil na gumanap bilang ang dating pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Bago ito’y nauna nang inansunsiyo na bibida rin sa Maid in Malacañang sina Ruffa Gutierrez bilang First Lady Imelda MarcosCristine Reyes bilang Imee Marcos, at Ella Cruz as Irene Marcos.

Maging ang mga die hard supporter ni BBM na sina  Elizabeth Oropesa, Karla Estrada, at Beverly Salviejo ay kasama rin bilang mga kasambahay.

Isisikreto pala sana ang mga magsisiganap sa period movie na ito pero talagang bawat isa na kasama rito maging ang direktor na si Darryl ay sobrang excited kaya hindi napigilang i-announce kung sino-sino ang mga bibida.

Tulad ni Diego, talagang nagsabing proud at excited siya na gumanap bilang Bongbong Marcos.

Sinabi pa niyang isang malaking achievement ang gumanap bilang batang Bongbong.

Alam ko rin na darating ang araw, kung puwede kong suportahan ang pamilyang Marcos, susuportahan ko po talaga sila, at dumating po ‘yung oportunidad na iyon,” sambit ni Diego sa isang panayam.

Sinabi pa ng batang aktor na, “At salamat sa Diyos, binigyan Niya ako ng oportunidad na gampanan si Presidente Bongbong Marcos sa isang role at sa isang pelikula, so I’m happy, I’m thankful to be part of this family.

“Tawagin niyo rin po akong loyalist,”  proud na proud pang sabi ni Diego.

Ang Maid in Malacanang ay magpapakita sa huling tatlong araw ng pamilya Marcos sa Malacañang Palace noong panahon ng People Power EDSA Revolution (Feb. 23 to Feb. 25, 1986).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …