Friday , June 24 2022
Catriona Gray Albie Casiño Yukii Takhashi KZ Tandingan Brian Puspos Shanti Dope

30 ‘estudyante’ sa Top Class gagawa ng history sa P-Pop

HARD TALK
ni Pilar Mateo

CLASS starts on June 18, 2022. Sa TV5

Ito na nga ‘yung palabas na 30 trainees ang haharap sa tatlong batikang mentors para alamin at makita, hindi lang ang potensiyal nila sa pinapasok na mundo, kundi kung hanggang saan ang kakayanin nila to give their best with the craft they will be presenting to the world.

Dubbed as the newest, biggest, most advanced and most interactive P-Pop talent reality competition in the Philippines-the whole cast of Top Class: Rise to P-Pop Stardom was presented to the media at the Glorietta Activity Center Sunday afternoon.

The hot of the show is Miss Universe Catriona Gray with co-hosts Albie Casiño and Yukii Takhashi and the mentors are KZ Tandingan (vocal mentor), Brian Puspos (dance mentor) ang Shanti Dope (rap mentor).

Sinusundan ang latest happenings ng trainees sa Facebook, Instagram, Twitter  sa @ropclassofc, sa Tiktok naman @topclassofficial, Top Class sa YouTube at topclass sa KUMU. At nasusubaybayan din araw-araw sa @topclassdaily.

Powerhouses ang partners ng Top Class sa KUMU, TV5, Cignal Entertainment, at Cornerstone Entertainment. 

Nakausap namin ang vocal coach o teacher ng 30 trainees that afternoon.

Isang buong klase ang hawak ni KZ para makita at makilala kung ano ang mayroon sa bawat estudyante niya in as far as singing is concerned.

But along with that comes other things as well. The attitude. ‘Yung passion. Nagsimula pa lang ang klase so at this point, hindi pa ako makapagbibigay talaga ng masasabi kong outstanding. But definitely, so far about 70% ang singers.

“I was mentored. So, alam ko rin what it takes to be one in a process na I can say na more than challenging. Kasi, ito buong klase, 30 sila. All I am expecting from them is to give their 200%. More than a thousand ang pinagpilian sa kanila.”

Aminado si KZ, na sa ngayon, apektado ang domestic life nila ng kanyang mister. 

In a good way. Kasi dahil we’re both in the same field, nagkakaintindihan kami sa mga requirement ng buhay namin doing these things. But when we do get to have that time to be together to bond, siyempre give it our all na kami riyan.”

Hindi na namin ikinompara pa ang takbo ng relasyon nina KZ at kabiyak ng puso niya sa ibang may pinagdadaanang hamon sa mga pagsasama nila. At hindi naman siya sasawsaw sa buhay ng iba.

All we know is that when it comes to life’s lessons, in life and love, nasa top of their class na si KZ and her beloved TJ Monterde.

Rolling in the deep. And rising above the rest na ang winners na mag-asawa.

Don’t be absent sa class. And for KUMU followers, pick na your bet sa 30 trainees na kinabibilangan nina Dean Villareal, E L Mendoza, Lex Reyes,  Harvey Castro, Kim Huat Ng, Justine Castillon; Joshuel Fajardo, Gilly Guzman, Kenzo Bautista, Seb Herrera, Dencer Dalman, Francis Lim; Tanner Jude, Matt Cruz Clyde Garcia, Jon Laureles, Trick Santos, Jascel Valencia; Timothy Tiu, Brian Zamora, Jeff Cabrera, Chase Peralta, Jai Gonzales, Roj Concepcion; Dave Bono, Ash Rivera, JC Dacillo, Gab Salvador, Niko Badayos, atRZ Condor. Ang mapipili sa June 24, 2022 na may pinaka-maraming boto sa KUMU ang siyang mabibigyan ng Immunity sa mga susunod na challenges.

Sa state-of-the-art campus ng National University sa Laguna ang dormitoryo na tinitirhan nila sa kasalukuyan. 

Sa nasabing launch, pinasaya ng performances ng G22 at VXON ang P-Pop fans.

It was such a Top Class Grand Mediacon! Na handa na to “Stan Up” and  make P-Pop History!

About Pilar Mateo

Check Also

062322 Hataw Frontpage

Dismissal binaliktad ng korte
ARESTO VS DOC NATY MULING INIUTOS 

IPINAG-UTOS ng Regional Trial Court ng Bayugan, Agusan del Sur Regional Trial Court ang pagdakip …

SM Southmall Southtopia UFC

UFC GYM NASA SM SOUTHMALL NA
Plus, take a trip down good ol’ days of fun games and retro activities at #Southtopia post workout

SA PANAHON ngayon, mahalagang magkaroon ng mas aktibong lifestyle upang mapataas ang immunity ng isang …

Darren Espanto abs

Darren ibinando ang abs, bagong image ihahataw

MA at PAni Rommel Placente MUKHANG magiging pantasya na ng mga kababaihan lalo na ng …

gun shot

Sa Jaen, Nueva Ecija
BRGY. KAGAWAD LIGTAS SA AMBUSH

NAKALIGTAS ang isang kagawad ng barangay matapos tambangan sa Brgy. Malabon Kaingin, sa bayan ng …

Rizal Police PNP

Sa 7-araw SACLEO sa Rizal
P2.4-M DROGA KOMPISKADO, 180 KATAO TIMBOG

NASAMSAM ang P24-milyong halaga ng ilegal na droga habang arestado ang 180 katao sa ikinasang …