Thursday , March 30 2023
Jean Kiley

Jean Kiley sa pagpapa-sexy — I’m ready but without nudity

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

I’M ready to be sexy.” Ito ang tinuran ng paboritong media conference host ng Viva Films na si Jean Kiley na kasama sa pelikulang Kitty K7 na pinagbibidahan ni Rose Van Ginkel at idinirehe ni Joy Aquino na mapapanood sa Vivamax. Pero bago ma-excite ang mga nakakikilala sa kanya, nilinaw ng dalaga na, “ready to be sexy but without nudity.”

Ginagampanan ni Jean ang best friend ni Rose Van sa Kitty K7. ”She’s a strong and modern woman but then, she has this certain value na may pagka-old school and believes na hindi dapat ginagawa ‘yung role particularly niyong bestfriend niya, ‘yun po ang paniniwala niya but she’s a modern woman kaya medyo conflicting po siya,” paliwanag ni Jean sa role na ginagampanan niya sa pelikula.

At dahil karamihan sa mga pelikulang naipalalabas sa Vivamax ay sexy natanong si Jean kung hanggang saan ang kaya niyang ipakita. 

“I’m ready to be sexy but there’s some limitations lang po,” sagot nito. “ I’m ready to be sexy without nudity. Can show skin but without nudity like private part po. I’m ready, I can play all roles po na sexy pero walang nudity lang,” paglilinaw pa ng dalaga.

Mapapanood ang Kitty K7 sa Vivamax sa July 8 na bukod kina Rose Van at Jean, kasama rin sina Marco Gallo na produced ng Project 8 para sa Viva Films.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Direk Brillante ‘di inakalang sisikat si Coco

RATED Rni Rommel Gonzales SI Brillante Mendoza ang direktor ng Masahista noong 2005, ang pelikulang ito ang pinakaunang lead …

Krista Miller Nika Madrid Andrew Gan

Krista Miller nanligaw ng babae

RATED Rni Rommel Gonzales PASABOG ang rebelasyon ni Krista Miller na siya ay nanligaw na ng babae. …

Kathryn Bernardo Dolly de Leon

Kathryn bibida sa A Very Good Girl kasama sa Dolly de Leon

MA at PAni Rommel Placente INANUNSIYO ni Kathryn Bernardo sa ABS CBN Star Cinema YouTube noong Lunes, na gagawa …

Andrea Brillantes Ricci Rivera BlackPink

Andrea sa promprosal kay Ricci — ako po dapat dahil ako yung artist ng Star Magic

MA at PAni Rommel Placente SINAGOT ni Andrea Brillantes ang isang basher na tila sinita siya sa …

Lai Austria

Model, vlogger ‘di kayang magpakita ng kahubdan

I-FLEXni Jun Nardo HINDI kayang magpakita ng maselang parte ng katawan ang model, content creator, …