Thursday , March 30 2023
shabu drug arrest

Tatlo pa, huli rin… ‘WOWA’ SUMA-SIDELINE SA PAGTITINDA NG BATO

SA KULUNGAN bumagsakang apat na hinihinalang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang isang lola  na suma-sideline sa pagtitinda ng ‘bato’ ang inaresto sa magkakahiwalay na buy bust operation sa mga lungsod ng Malabon at Navotas.

Ayon sa nakalap na ulat sa opisina ni  Malabon City police chief Col. Albert Barot, dakong 1:00 am nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Alexander Dela Cruz ng buy bust operation sa Pampano St., Brgy. Longos, Malabon City.

Huli kaagad ang dalawang suspek na kinilalang sina Jessie Santos, 35 anyos, at Divino Paguio, alyas Ding, at isang 60-anyos lola nang tanggapin ang P500 marked money mula sa isang police na umaktong poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu.

Nakompiska sa mga suspek ang aabot sa 3.5 gramo ng hinihinalang shabu, may Standard Drug Price P23,800.00 at buy bust money.

Sa Navotas City, natimbog din ang mga suspek ng mga operatiba ng Navotas Police SDEU team sa ilalim ng pamumuno ni  Col. Dexter Ollaging sa buy bust operation sa Judge A. Roldan, Brgy. San Roque, Navotas City.

Dakong 11:00 pm, inaresto sina Andrew Yape, 31 anyos, helper; at Sandy Abrancillo, 35 anyos, tricycle driver, kapwa (listed/pusher) matapos bentahan ng P300 halaga ng shabu ang isang pulis na umakto bilang puseur buyer.

Nasamsam sa mga suspek ang aabot sa 10.4 grams ng hinihinalang shabu, may standard drug price na P70,720 at marked money.

Kapwa nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Jenine Desiderio

Jenine aktibo pa rin sa pagkanta

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin agad siya nakilala kasi naka-face mask noong makita namin …

Bulacan Police PNP

10 ‘tulak’ sa drug watchlist kinalawit

INARESTO ang 10 indibidwal sa pagpapatuloy ng kampanya ng pulisya sa Bulacan laban sa ilegal …

COMPOSITE SKETCH Marlon Serna

Sa pamamaslang sa hepe ng San Miguel MPS
COMPOSITE SKETCH NG SUSPEK INILABAS

NAGLABAS ang Philippine National Police (PNP) ng composite sketch ng isa sa dalawang suspek na …

Jose Hidalgo Marlon Serna

RD Hidalgo binisita ang burol ng napaslang na hepe ng San Miguel MPS;
Reward para sa mga killers umabot na sa P1.7-M

Nagbigay ng kanyang huling paggalang si Police Regional Office 3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo …

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …