Saturday , July 2 2022

Sa Cabanatuan, Nueva Ecija
KILABOT NA KAWATAN, SWAK SA SELDA

Sa pagpapatuloy ng kampanya laban sa mga kriminal na pinaghahanap ng batas, nadakip ng mga tauhan ng Cabanatuan CPS ang No. 9 Most Wanted Person ng lungsod, nitong Martes, 24 Mayo.

Sa ulat mula kay P/Col. Jess Mendez, acting provincial director ng Nueva Ecija PPO, dakong 11:00 ng umaga kamakalawa nang magkasa ang mga operatiba ng Cabanatuan CPS Manhunt Charlie operation sa Brgy. Matadero, sa nasabing lungsod.

Kaugnay ito sa hinahanap nilang isang kilabot na kawatan na sinasabing matagal nang nagtatago sa naturang barangay at patuloy na gumagawa ng ilegal.

Nagresulta ang sa pagkakaresto sa suspek na kinilalang si Jinggoy Baliling, sa bias ng warrant of arrest para sa kasong Robbery.

Kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng Cabanatuan CPS ang suspek habang inihahanda ang nararapat na disposisyon para sa kanyang kinakaharap na kaso. (Micka Bautista)  

About Micka Bautista

Check Also

Lani Cayetano Alan Peter Cayetano Taguig 1

Panunumpa sa tungkulin sa Taguig City

MASAYANG nanumpa si Taguig City Mayor Lani Cayetano kay Hon. Judge Antonio Olivete sa pormal …

Ruffy Biazon Muntinlupa oathtaking 1

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City na si Mayor-elect Ruffy Biazon …

Mel Aguilar April Aguilar Las Piñas Feat

Mel at April Aguilar nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City

SABAY na nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City Mayor Imelda “Mel” Aguilar at …

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

INIHATID ng Cebu Pacific Air sa lungsod ng Tagbilaran, sa lalawigan ng Bohol noong nakaraang …

Bongbong Marcos BBM

Pagbasura sa DQ kay Marcos ‘di nakapagtataka – Makabayan

HINDI, umano, nakapagtataka ang desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang mga petisyon na idiskalipika …