Coco maluha-luhang inalala mga paalala ni βlolaβ Susan β Hindi importante ang pag-i-Ingles, hindi βyan batayan para respetuhin ka
πππππ½ππ πππππ
π£π πππ§πππ§ππ¨ πππ‘πππ― πππππ¨ππ€
MADAMDAMIN ang mga binitiwang salita ni Coco Martin patungkol sa yumaong Queen of Philippine movies na si Susan Roces. Hindi napigilan ni Coco ang maluha habang iniisa-isa ang magagandang pinagsamahan nila ni Manang Inday.
Halos pitong taon ding nagsama sina Coco at Susan sa seryeng FPJβs Ang Probinsyano. Sa pamamagitan ng Facebook live ni Sen. Grace Poe-Llamanzares, nag-iisang anak nina Susan at Fernando Poe, Jr., narinig ang mga pahayag ni Coco at inaming hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari.
Anang Kapamilya Teleserye King, βHonestly, hindi ko po talaga alam kung ano ang sasabihin ko ngayon. Talagang shock ang nararamdaman ko kasi hindi ako makapaniwala na mangyayari ito dahil alalang-alala ko ang pagkikita namin ni Tita Sue na ang lakas-lakas niya, ang saya-saya niya.
βSiya ang nagbibigay sa amin ng inspirasyon para ipagpatuloy namin ang βProbinsyanoβ dahil lagi niyang sinasabi na nakapagbibigay kami ng ligaya at inspirasyon sa bawat Filipino.
βAng akala ko, ang isa sa pinakamasakit na mararamdaman ko sa industriyang ito ay noong namatay si Tito Eddie (Garcia),β malungkot na pagbabahagi ni Coco.
βPara kaming napilayan kasi nga lolo namin βyon. Parang hindi namin akalain na habang ongoing βAng Probinsyanoβ kahit hindi na namin siya kasama noong mga oras na βyon ay masakit para sa amin.
βKasi sobra namin siyang inalagaan, sobra naming bina-value kung ano ang nai-contribute niya sa industriya. And then ngayon, hindi ko akalain na ang isa sa mga pinaka-espesyal at malapit na malapit sa buhay ko lagpas sa trabahong ito ay mangyayari ang bagay na ito.β
Sinabi pa ni Coco na hindi katrabaho ang tingin niya kay Ms Susan. βKasi si Tita Susan hindi ko siya katrabaho, hindi katrabaho lang ang tingin ko sa kanya. Malalim ang pagtingin, pagmamahalan at respeto namin sa bawat isa.
βKaya lahat po ng mga sinasabi niya ay dinidibdib namin. Kasi para po sa amin na mga katrabaho niya at ako bilang apo niya sa industriya sa lahat ng mga aktor na kasama ko, directors, sa lahat ng crew and staff βyung words of wisdom na sinasabi niya po sa amin ay totoong tumatatak sa puso at isip naming lahat.
βDahil napakapalad po namin na nakatrabaho po namin siya. Kasi alam niya lahat eh, pinagdaanan niya na yan,β sambit pa ng aktor.
Unang nakagaanan ng loob ni Coco si Ms Susan sa Walang Hanggan. Dito sila unang nagsama noong 2012. βNoong nakatrabaho ko na po si Tita Susan sa βWalang Hangganβ dahan-dahan pong naging komportable ang loob ko sa kanya.
βKasi hindi po niya ipinaramdam sa amin na siya ang Queen of Philippine Movies, na siya ang asawa ng Hari ng Pelikulang Pilipino. Ang ipinaramdam niya po sa amin ay isang pamilya at lola po naming lahat.
Ibinahagi pa ni Coco na si Manang Inday ang nagturo sa kanya para maging magtiwala sa sarili.
βKasi nakikita niya na hindi ako komportable bilang isang artista kasi sinasabi ko, kapag nakakakita na ako ng medyo sosyalan, kapag nakikita ko na medyo nag-i-Inglisan na para akong natsotsope.
βKasi nga po alam naman ng lahat βyon na hindi ako marunong mag-Ingles. Kaya sabi sa akin ng aking lola, hindi importante ang pag-i-Ingles at hindi βyan ang magiging batayan para respetuhin ka ng tao. Ang importante ay marunong kang humarap sa tao na may dignidad.
βAng importante ay totoo ang sinasabi mo at nasa puso mo. Ang mas mahirap ay hindi ka marunong mag-Tagalog at nasa Pilipinas ka, hindi ka magkakapera. At naniniwala po ako roon, kaya mula noon sobrang naging tight kami.β
At sa pagtatapos ni Coco ito ang sinabi niya kay Ms Susan, ββLa kung nasaan ka man po ngayon, gusto ko pong malaman na lahat kami na nandito ay sobra-sobrang mahal ka po namin at hinding-hindi ka po namin makalilimutan habambuhay. I love you.β