Wednesday , March 29 2023
Denise Esteban

Paghuhubad ni Denise may blessing ng magulang

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

WALANG masama sa paghuhubad!’ Ito ang matapang na tinuran ng dating P-Pop Generation member na si Denise Esteban nang makapanayam namin siya sa media conference ng pinagbibidahang pelikula, ang Secrets ng Viva Films na isinagawa sa Wingzone Araneta, Cubao, QC.

Bale ito ang ikatlong pelikula ni Denise sa Viva na unang napanood sa Vivamax Original Movie na Kaliwaan na pinagbidahan ni AJ Raval at nasundan ng Doblado na pinagbidahan ng tubong-Baguio kasama sina Mark Anthony Fernandez, Josef Elizalde, Stephanie Raz, Kat Dovey, at Gwen Garci.

Palaban si Denise kung hubaran lang ang pag-uusapan. Katwiran niya, walang masama sa kanyang ginagawa at kailangan naman talaga sa role niya ang paghuhubad.

 Naikuwento ni Denise na pangarap niya talaga ang umarte kaysa kumanta. “Bata pa po ako noon kaya hindi pa pwedeng gumanap ng daring roles kaya napunta ako sa pagkanta,” paliwanag ng seksing-seksing si Denise noong gabing iyon na ngayon ay puwede nang magbuyangyang dahil 20 years old na raw siya. 

Ikinatwiran din ni Denise na may blessing siya ng kanyang mga magulang kaya naiintindihang trabaho lang ang kanyang ginagawa.

Kasama ni Denise sa Secrets sina Janelle Tee, Benz Sangalang, at Felix Roco.

Ukol sa magkasintahang nag-aakalang kilala na ang isa’t isa ang kuwento ng Secrets.

Gustong ayusin nina Janine (Janelle) at Christian (Benz) ang mga problema nila sa kanilang relasyon. Kaya naman tumakas muna sila sa siyudad at nagpunta sa isang isolated beach house na pagmamay-ari ng kanilang kaibigan, at inaalagaan ng mag-asawang Rading at Elena. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman, may isa pang guest sa beach house–si Leo (Felix), pamangkin ni Elena na isang engineer sa Middle East at sandaling nagbabakasyon. Bumalik si Leo sa beach house upang makita ulit ang kanyang fuck buddy na si Felina (Denise), isang waitress sa isang resort.

Sa umpisa pa lang ay hindi na gusto ni Janine si Leo, dahil may kutob ito na delikadong tao. Tuso at mapaglaro si Leo. Hinihikayat niya ang kahit na sino para sa sarili niyang kaligayahan. Ang hindi nila alam, unti-unti na silang nahuhulog sa patibong ni Leo.

Ang Secrets ay idinirehe ni Jose Javier Reyes, streaming sa VIVAMAX simula June 10.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

KBYN Kaagapay Ng Bayan Noli de Castro

Natatanging Philippine entry sa News: Program category
KBYN NI NOLI PASOK SA SHORTLIST NG NEW YORK FEST

NAKAPASOK sa shortlist ng New York Festivals TV & Film Awards ngayong taon ang public affairs program …

Yeo Jin-goo Cho Yi-Hyun Ditto

Ditto kaabang-abang sa mga mahihilig sa K-movie

KAPAG hindi inaasahan at hindi maipaliwanag ang pagkikita ng dalawang tao, nagkataon pa rin lang …

Ed Sheran Eyes Closed

Bagong single ni Ed Sheran na Eyes Closed ini-release na

TIYAK na maraming fans ni Ed Sheeran ang matutuwa dahil ini-release na ang bago niyang single na Eyes …

Mystica Stanley Villanueva

Mystica sobra-sobra ang pagdadalamhati, anak pumanaw

MA at PAni Rommel Placente SOBRANG malungkot ngayon ang novelty singer na si Mystica. Pagkatapos kasing …

Rey Valera RK Bagatsing

RK Bagatsing bumagay na Rey Valera sa Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko

MA at PAni Rommel Placente SA pelikulang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko:The Music of Rey …