Sunday , July 3 2022
Benz Sangalang Secrets

Benz Sangalang, aminadong puhunan sa showbiz ang magandang katawan

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

AMINADO si Benz Sangalang na kaabang-abang ang kanilang pelikulang Secrets na tinatampukan din nina Janelle Tee, Denise Esteban, at Felix Roco. Mula sa pamamahala ni Direk Jose Javier Reyes, simula na ang streaming nito sa June 10.

Ano ang role niya sa movie at kamustang katrabaho si Direk Joey?

Wika ni Benz, “Ang role ko po rito ay si Christian, bale girlfriend ko po si Janelle Tee, mabait iyong role ko rito, kaya inabuso yung character ko. Kumbaga ay nag-take advantage si Felix sa kabaitan ko.”

Aniya pa, “Iyon nga po, mabilis katrabaho si Direk Joey. Para sa baguhang katulad ko, hindi po ako na-pressure sa pagdidirek niya, kaya halos hindi tumatagal iyong mga (eksena)… hindi nate-take 2, ganyan… Kaya talagang natatapos kami agad.”

Nabanggit din ni Benz ang paniwala niyang mahalagang bahagi ng puhunan niya sa showbiz ang pagkakaroon ng magandang pangangatawan.

Esplika ng aktor, “Naniniwala po ako kung gaano kahalaga ang pagkakaroon ng magandang katawan sa tulad kong actor, lalo na at sumasabak tayo sa sexy movie.

“Actually, pinaghandaan ko po talaga iyong movie, may dala akong kamote sa shooting namin para talagang putok ang abs ko. Kaya masasabi kong kondisyon talaga ang katawan ko roon sa pelikula at sexy talaga.”

Nasabi rin ni Benz na nailang siya sa maselang eksena nila ni Felix.

Kuwento niya, “Medyo nailang po ako siyempre… isa po ‘yun sa aabangan nila sa movie, hahaha! Ipinakita ko po rito iyong mga never ko pa ipinakita sa mga past projects ko, kaya abangan sana po nila. Marami po akong butt exposure rito.”

Nabanggit din ni Benz na lumakas ang loob niya sa nude scene nila ni Felix, dahil sa aktor.

Wika ng guwapitong talent ni Jojo Veloso. “Yes po, may hubo’t hubad kaming eksena rito sa dagat. Isa yun sa kaabang-abang po sa movie namin, medyo babad po kasi ‘yung scene na yun na talagang nude kami.

“Para sa akin po, ang naitulong sa akin ni Felix, mas naging komportable akong maghubad. Kasi ay may scene kami na tumatakbong hubad sa dagat, eh. Ano kasi eh, maliwanag iyon, kumbaga nakakahiya talaga. So, nakita ko siya (Felix), parang wala lang (nang naghubad) siya, tapos ay tumakbo siya.

“So iyon, kung hindi niya iyon ginawa, parang problema rin siguro sa akin dahil nahihiya talaga akong maghubad. So, dahil doon ay na-encouraged ako na gawin din iyon, malaking bagay po,” nakangiting sambit pa ni Benz.

Kayang pasingawin ng tukso ang ating pinakatatagong lihim. Inihahandog ng VIVA Films ang isang pelikula ukol sa magkasintahan na nag-aakalang kilala na nila ang isa’t isa sa pelikulang Secrets, na streaming sa Vivamax simula June 10.

Gustong ayusin nina Janine (Janelle) at Christian (Benz) ang mga problema nila sa kanilang relasyon. Kaya naman tumakas muna sila sa siyudad at magpupunta sa isang isolated beach house na pagmamay-ari ng kanilang kaibigan at inaalagaan ng mag-asawang Rading at Elena. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman, may isa pang guest sa beach house, si Leo (Felix), ang pamangkin ni Elena na isang engineer sa Middle East at sandaling nagbabakasyon.

Bumalik si Leo sa beach house upang makita ulit ang kanyang fuck buddy na si Felina (Denise), isang waitress sa isang resort. Sa umpisa pa lang ay hindi na gusto ni Janine si Leo, dahil may kutob ito na delikadong tao si Leo. Tuso at mapaglaro si Leo. Hinihikayat niya ang kahit na sino para sa sarili niyang kaligayahan. Ang hindi nila alam, unti-unti na silang nahuhulog sa patibong ni Leo.

Makikita sa pelikula ang isang madilim na kuwento tungkol sa sexual experimentation at pagnanasa at para sa sexy movie na ito, kinuha ang mga young at daring actors na sina Janelle, Benz at Denise na hindi takot ipakita ang lahat para sa kanilang mga role. At ang seasoned actor na si Felix ang kumumpleto sa all-out, no holds barred cast ng pelikula.

Exciting makita kung ano ang magiging resulta ng chemistry ng cast on screen. Kaya humanda na sa deepest at darkest discoveries sa SECRETS sa June 10, sa Vivamax Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, Canada, the USA, the Middle East at Europe. At sa best viewing quality na ang inyong panonood, dahil ang Vivamax compatible na with TV casting. Para sa local subscriptions, maaaring ma-avail ang P149/month watch-all-you-can plan sa VIVAMAX app at pwedeng magbayad gamit ang iyong debit, credit card, GCash or PayPal account na naka-link sa iyong Google, Apple o Huawei App Gallery account.

About Nonie Nicasio

Check Also

The Juans Callalily

Hiwalayan ng banda nauuso rin

HATAWANni Ed de Leon NAUUSO yata ang paghiwalay sa mga banda. Sinabi ng The Juans, na …

Atom Araullo Toni Gonzaga Cris Villonco

Atom kalmado sa coverage ng inauguration ni PBBM

HATAWANni Ed de Leon SINASABI nilang maganda ang naging inaugural ng Pangulong Bongbong Marcos na binigyan ng …

Faye Tangonan Lester Paul Recirdo

Faye Tangonan,  enjoy sa muling pagharap sa camera

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPAGPAPATULOY nina Faye Tangonan at Direk Romm Burlat ang shooting …

Christine Bermas 2

Christine Bermas tiniyak, mga barako ‘di mabibitin sa Scorpio Nights 3

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IDINEKLARA ni Christine Bermas na ang Scorpio Nights 3 ang …

Christine Bermas

Christine tiyak na pag-uusapan sa Scorpio Nights 3

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAPAKA-RAW at ibang-iba ang nakuha naming sagot kay Christine Bermas nang magkaroon …