Sunday , April 28 2024
Suzi Entrata Paolo Abrera Mariel Rodriguez Gino Roque

Mariel, Paolo, Suzi, at Gino nagbigay payo para sa kalusugan 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

AMINADONG OA na ina si Mariel Padilla kaya naman nakikipagtsikahan siya sa mga tulad din niyang ina para makakuha ng tips sa kung paano mapangangalagaang mabuti ang kani-kanilang anak. Iba rin siyempre ang dagdag kaalaman.

Isa sa katsikahan niya ay si Suzi Entrata na katulad ni Mariel ay OA at tutok din lagi sa mga anak.

“Dahil nga I am an OA mom, I always research. Nakikisali ako, nakikipag-chikahan ako with fellow moms and sa mga mom group. Kasali na riyan ‘yung nai-share ni Mommy Mars Suzi ukol sa Solmux Advance with Zinc na pinagsama para mas malakas at mas mabilis na gamot sa ubo,” pagmamalaki ni Mariel.

“Para sa mga OA mommy na tulad ko, ‘yung gustong-gusto natin ay ‘yung mga ‘mas’ na ‘yan dahil gusto ko na mas protected ang kids ko. ‘Pag nagkakasakit, mas gusto ko na mas mabilis ang effect. Gusto ko mas mabilis magpagaling,” giit pa ni Mariel.  

Kasama sina Mariel at Suzi sa mga sikat na personalidad na nagbibigay ng payo tungkol sa kung paano mapananatili ang mabuting kalusugan at makaiiwas sa sakit lalo na nga at nasa gitna pa rin tayo ng pandemya. Mahalaga pa rin ang wastong nutrisyon, hydration, ehersisyo, malusog na kalusugan ng isip, at sapat na pahinga. Kailangang mapanatili ang isang malusog na immune system para mapababa ang panganib ng mga malala at nakahahawang sakit. 

Nitong mga nakaraang linggo ay ilan mga kilalang artists na aktibo sa social media ang nag-share ng kanilang feedback tungkol sa bisa ng bagong Solmux Advance sa pagtanggal ng ubo, lalo na ‘yung may plema. Ang Solmux Advance ay ang una at tanging gamot sa ubo sa Pilipinas na pinagsama ang Carbocisteine—na tumutunaw sa plema para madaling mailabas sa pamamagitan ng pag-ubo kasama ang mga bacteria na namuo rito — at Zinc na tumutulong palakasin ang immune system at mabisang antioxidant. 

Kasama ni Suzi sa pagpapanatili ng malusog at ligtas na paligid ang asawang si Paolo Abrera na sinabing ito ang kanilang normal routine. 

Ang pagkain ng tama, pag-eehersisyo, pagtiyak na nakakukuha tayo ng sapat na pahinga pati na rin ang pagpapalakas ng ating immune system ay tumutulong sa atin para may panlaban sa anumang bagay na maaari nating masagap sa panahong ito,” ani Paolo (@paoloabrera) sa kanyang Instagram, habang sila ng kanyang asawang si Suzi (@mars_suzi) ay gumawa ng pinagsamang video tungkol sa kanilang health journey.  

“…gusto ko lang parangalan ang asawa ko hindi lang dahil sa pagiging napakagandang asawa kundi sa pagiging mahusay na ina sa aming tatlong anak na babae [Leona, Jade, at Antonella]. Napaka-metikulosa pagdating sa kalusugan ng aming pamilya para iwas-sakit,” pagmamalaki ni Paolo sa asawa. 

“Pero kahit na anong ingat, gaya ng ibang taong kilala ko, naging positive kami ni Suzi sa Covid noong nakaraang January,” paglalahad ni Paolo. “Sa kabutihang palad, ang mga sintomas ay kaya namang masubaybayan at magamot sa bahay.”  

Uminom agad ang mag-asawa ng Solmux Advance with Zinc. Nagsaliksik kasi si Suzi noon tungkol sa mga gamot sa ubo at na-curious siya kung bakit ito naiiba sa orihinal na Solmux.  “Ang zinc ay naging buzzword sa nakalipas na ilang taon. Nakilala s’ya na tumutulong sa pagpapalakas ng immune system. At kapag ang immune system ay gumagana ng maayos, ito ay mas mahusay sa paglaban sa mga virus, “ paliwanag ni Paolo.  

Dahil dito, naging mahalagang bahagi ng pamilya Entrata-Abrera and Solmux Advance. “It is something that we will definitely recommend to friends and family, lalo na ngayon na mas madalas tayong lumalabas at makihalubilo, kaya mas lalong dapat makasiguro na kung sakaling magka-ubo, ay mabilis naman s’yang mapagaling.”  

Ganito rin ang katwiran ni Gino Roque IV ng Kamiseta Group of Companies na nagmamay-ari ng kompanyang apparel-turned-events na Forza.  Aniya, “Mula nang magsimula ang pandemya, lahat tayo ay hindi nakakukuha ng sapat na impormasyon sa loob ng mahigit isang taon. Lalo na sa pamilya ko, nakatira kami sa isang compound. Takot na takot sila lolo at lola kung marami kaming lalabas. Napakatagal na ng pandemic na ito. Ang ginawa namin, nag-adjust kami sa New Normal.

At dahil isang multi-hyphenate (o celebrity na may kaalaman sa iba’t ibang larangan), si Gino, kinailangan niyang manatiling malusog. Si Gino ay dating housemate sa Pinoy Big Brother 8, nag-produce at nagbida sa romantic-comedy series na Beauty and the Boss kasama si Elisse Joson at Pasabuy with Heaven Peralejo.   

At para  makatulong na mapanatiling ligtas ang sarili at maging ang kanyang mga kasamahan, nag-isip si Gino ng mga paraan kung paano pa mapalalakas ang kanyang immune system at upang mabisang labanan ang mga karamdaman, kasama na rito ang pagsunod sa payo ng kanyang doktor na uminom ng Solmux Advance. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Innervoices

Miyembro ng InnerVoices binato ng sanitary napkin sa show

MATABILni John Fontanilla MAY unforgettable experience ang isa sa miyembro ng bandang InnerVoices, si Angelo Miguel(vocalist) sa …

David Licauco Derrick Monasterio Teejay Marquez Kiko Estrada Enzo Pineda Ruru Madrid

Ruru, Teejay, Derrick, Enzo, David, at Kiko  nagsapawan

MATABILni John Fontanilla TIMELY ang pagpapalabas ng barkada film nina David Licauco, Derrick Monasterio, Teejay Marquez, Kiko …

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Myrtle Sarrosa Kristoffer Martin Claire Castro

Myrtle bistado na, relasyon nina Kristoffer at Claire nanganganib

RATED Rni Rommel Gonzales MANAGOT na ang dapat managot dahil patuloy ang pagsabog ng katotohanan …