Saturday , May 21 2022

Xian Lim ‘di pa handang mag-asawa — Spiritually, i need a proper mindset for it

MA at PA
ni Rommel Placente

AYON kay Xian Lim, hindi naging madali para sa kanya ang paghahanda para sa kauna-unahan niyang teleserye sa GMA 7, ang False Positive, na gumaganap siya bilang isang lalaking nabuntis dahil sa isang sumpa.

Ayon kay Xian, inatake siya nang matinding nerbiyos noong unang sumalang sa lock-in taping dahil ayaw niyang magkamali at mapahiya sa  buong produksyon.

Sabi ni Xian, “To the point na stressed na stressed na ako dahil I don’t wanna let anyone down. But I’m so grateful sa network, sa GMA Network, sa buong Kapuso family that I don’t wanna let them down.

“And I remember gumigising talaga ako nang maaga para lang magtanong, para lang hindi… para lang I don’t wanna cause any delays, I don’t wanna cause any aberya, kumbaga.

“There is that pressure, definitely. Pero tinanggap ko na, na mahirap at gagawin ko lang at gagawin ko ang best ko hangga’t sa ma-good take ni direk Irene (Villamor),” anang binata.

Kuwento ng aktor, may ilang foreign movies siyang pinanood tungkol sa mga lalaking nabubuntis.

I was watching, pinanood ko ‘yung katulad ng film ni Arnold Schwarzenegger (‘Junior,’ na ipinalabas noong 1994).

“Maraming ibinigay na films si direk para pag-aralan ko, like a peg or a benchmark for the character. Marami.

“And I was looking through videos on YouTube about pregnancy and ‘yung mga sintomas ng mga pregnant women. So, yes, marami ring research na ginawa,” aniya pa.

Hindi naman nagdalawang-isip ang aktor nang tanggapin niya ang False Positive. 

Unang tawag pa lang po nila, it’s a yes kaagad,” sambit niya.

Samantala, nang tanungin naman si Xian kung sa totoong buhay ba ay handa na siyang maging tatay, ang sagot niya,”Honestly hindi pa po ako ready. Because spiritually, I think I need a proper mindset for it.”

Ayun, kaya naman pala kahit nasa right age na sina Xian at Kim Chiu para magpakasal ay hindi pa handa ang aktor.

About Rommel Placente

Check Also

052022 Hataw Frontpage

Exclusive!
PAUL SORIANO BAGONG PALACE EXECUTIVE

ni ROSE NOVENARIO MAISASALBA na ang karerang muntik lumubog ni multi-awarded film director at mister …

Kris Aquino

Kris sinupalpal mga nagpapakalat na agaw buhay na siya

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga NAGPAABOT ng mensahe ng pagmamahal, pagdarasal, at mabilis na paggaling kay Kris …

Ejay Falcon Rhea Tan Beautederm Jana Roxas

Pagkapanalo ni Ejay ikina-proud ni Beautederm CEO Rhea Tan 

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga PROUD ate si Beautederm CEO and President Rhea Anicoche Tan sa itinuturing niyang …

Moira dela Torre Kathniel

Kumpas ni Moira ginawa para sa KathNiel at sa 2G2BT 

 OPISYAL nang inilabas ni Moira dela Torre ang comeback single niyang Kumpas na nagsisilbing theme song ng bagong ABS-CBN …

KD Estrada Flex

KD Estrada bagong image sa Flex 

TIYAK na marami ang nagulat sa bagong KD Estrada na nakita sa digital video magazine ng Star Magic, …