Thursday , May 26 2022

SUSPEK PATAY SA LAGUNA (Buy bust nauwi sa enkuwentro)

NAPASLANG ang isang hinihinalang drug pusher nang mauwi sa enkuwentro ang ikinasang buy bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Luisiana, lalawigan ng Laguna, nitong Huwebes, 5 Mayo.

Pinangunahan ang operasyon ni P/CMSgt. Lorenzo Colinares, na nagresulta sa pagkamatay ng suspek na kinilalang si Michael Asis, huli sa aktong nagbebenta ng hinihinalang shabu sa isang undercover agent dakong 3:00 pm sa Brgy. San Jose, sa nabanggit na bayan, kamakalawa.

Nagawang maisugod si Asis sa Luisiana District Hospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Ayon sa ulat, nagkaroon ng mga pasa at sugat sa kanan at kaliwang tuhod ang police poseur buyer dahil sa insidente.

Nakuha ng mga awtoridad ang isang kalibre .45 pistola, tatlong magasin, at mga bala, at hinihinalang shabu na may timbang na 25 gramo.

About Boy Palatino

Check Also

riding in tandem dead

Sa Tuao, Cagayan
BARANGAY CHAIR TODAS SA TANDEM

PATAY ang isang barangay chairman na sakay ng kanyang motorsiklo nang barilin ng hindi kilalang …

explode grenade

Sa San Ildefonso, Bulacan,
BAHAY NG KAPITAN HINAGISAN NG GRANADA

NAWASAK ng shrapnel mula sa inihagis na granada ang ilalim ng pick-up truck, pag-aari ng …

Bulacan Police PNP

6 MWPs sa Bulacan isa-isang naihoyo 

ISA-ISANG nahulog sa kamay ng batas ang anim na kalalakihang pinaghahanap ng batas at sinasabing …

rape

Call center agent na katagay hinalay
TEACHER ARESTADO

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking guro matapos ireklamo ng panghahalay sa isang dalagang …

road traffic accident

Nasipa ng baka
RIDER NASAGASAAN NG TRUCK, PATAY

ISANG rider ang binawian ng buhay nang masagasaan ng isang truck matapos masipa ang kaniyang …