Thursday , March 30 2023
Kathryn Bernardo Daniel Padilla Kathniel 2 Good 2 Be True

Serye ng KathNiel ipalalabas sa Netflix

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SOBRA ang saya nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil ang kanilang upcoming series na 2 Good 2 Be True ay ipalalabas sa Netflix. Nagkasundo ang ABS-CBN at Netflix na magkaroon ng groundbreaking simulcast ng serye na magkakaroon sila ng exclusive 72 hour window sa global streaming platform bago ito maipalabas sa free at pay television.

Sa interbyu sa KathNiel ng ABS-CBN News, sinabi ng dalawa na nagulat sila sa ibinalita sa kanila.

“Noong tumawag si Tita Cory (Vidanes), sabi lang niya, ‘Kath, can I call? Because I want na sa amin mo unang marinig.’ Hindi ko naman in-expect na ‘yun ang sasabihin niya kaya super na-excite kami lalo,” ani Kathryn.

Mas film style na ‘yung show. Hindi lang siya basta. Dati, ‘yung mga serye kasi natin ‘pick pack’ lang — usap, dalawang camera, dalawang kinukuhanan tapos next sequence na tayo,” pagmalaki ni Daniel.

“Ngayon, para tayong pelikula. May three shots para sa isang eksena na iba-iba ‘yung anggulo. Mas film ‘yung feel nito. Film talaga ‘yung pagkuha nitong serye ngayon. It’s much better. Sakto siya sa Netflix dahil siyempre kailangan nating lumebel sa kanila roon,” sambit pa ng aktor. 

Ani Kathryn,m nakatulong ang hindi nila pagmamadali sa shooting para lalong mapaganda ang serye.

“Ito mas healthy and alam namin na kapag may eksena, hindi masyadong mamamadali and happy kami sa kakalabasan. I think important naman talaga to give quality projects, more importantly na nandito na sa Netflix. Ayaw naman natin din magpahuli and we want to keep improving ‘yung ABS, ‘yung quality ng mabibigay nating projects,” anang aktres.

Ang 2 Good 2 Be True ang unang romantic-comedy teleserye ng KathNiel after eight years. Ang huli nilang ginawa ay ang Got To Believe noong 2013.

Makakasama ng KathNiel sa 2 Good 2 Be True sina Ronaldo Valdez, Gloria Diaz, and Irma Adlawan, along with Gelli de Belen, Romnick Sarmenta, Cris Villanueva, at Smokey Manaloto. Mapapanood din dito sina Matt Evans, Jenny Miller, Yves Flores, at Pamu Pamorada

Mapapanood ang 2 Good 2 Be True sa May 13 sa Netflix, at sa May 16 sa free TV. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

KBYN Kaagapay Ng Bayan Noli de Castro

Natatanging Philippine entry sa News: Program category
KBYN NI NOLI PASOK SA SHORTLIST NG NEW YORK FEST

NAKAPASOK sa shortlist ng New York Festivals TV & Film Awards ngayong taon ang public affairs program …

Yeo Jin-goo Cho Yi-Hyun Ditto

Ditto kaabang-abang sa mga mahihilig sa K-movie

KAPAG hindi inaasahan at hindi maipaliwanag ang pagkikita ng dalawang tao, nagkataon pa rin lang …

Ed Sheran Eyes Closed

Bagong single ni Ed Sheran na Eyes Closed ini-release na

TIYAK na maraming fans ni Ed Sheeran ang matutuwa dahil ini-release na ang bago niyang single na Eyes …

Mystica Stanley Villanueva

Mystica sobra-sobra ang pagdadalamhati, anak pumanaw

MA at PAni Rommel Placente SOBRANG malungkot ngayon ang novelty singer na si Mystica. Pagkatapos kasing …

Rey Valera RK Bagatsing

RK Bagatsing bumagay na Rey Valera sa Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko

MA at PAni Rommel Placente SA pelikulang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko:The Music of Rey …