Friday , May 27 2022
Sean de Guzman Joel Lamangan Fall Guy Len Carillo

Direk Joel aminadong terror sa mga iresponsableng artista

SI Sean de Guzman sa mga alaga ni Len  Carillo ang nagbukas ng pintuan para sa mga kapatid niya sa 316 Media Network na magkaroon din ng acting career. Si Sean ang unang sumikat sa mga alaga ni Len kaya hindi kataka-takang napaka-bongga ang isinagawang story conference ng isang pelikulang pagbibidahan muli niya pagkatapos ng Anak ng Macho Dancer, ang Fall Guy na ididirehe ni Joel Lamangan.

Isinagawa ang storycon sa Monet Room ng Novotel sa Quezon City at dinaluhan ng halos lahat ng cast ng Fall Guy.

Sa storycon napag-usapan ang pagiging mahigpit na direktor ni Lamangan kaya naman natanong ang award winning director kung ano ang hindi niya kayang i-tolerate kapag nagdidirehe siya.

Sagot ng magaling na direktor—kawalan ng respeto ng mga artista at pagdating nang late sa set.

Ani Direk Joel, hate niya ang mga  dumarating sa shooting o taping nang lagpas na sa kanilang calltime at hindi pa handa sa kanilang mga gagawing eksena.

Sinabi rin niyang dapat ay may respeto ang artista. “Hanggang sa pinakamaliit na tao sa set dapat iginagalang ng artista. Dapat marunong siyang makisama sa lahat. Kung hindi, palalayasin ko siya sa set. Ginagawa ko talaga ‘yan,” pagbabanta ni Lamangan.

Ayoko rin nang late! Ayaw ko niyon. Talagang makaririnig ka sa akin kung sino ka man! Si Nora (Aunor), si Vilma (Santos), si Sharon (Cuneta), kung sino man, si Juday (Judy Ann Santos) — lahat ‘yan nakarinig sa akin kapag nale-late.

Walang karapatan na maghintay ang 150 people sa isang tao. Kaya dapat on time. Cost ng production ‘yun ‘pag nale-late. Hindi dapat,” giit pa ni Direk Joel.

Paliwanag naman ni Lamangan sa bansag sa kanya bilang terror director. “Hangga’t hindi ko pa sila nakakatrabaho, wala silang karapatan na tawagin akong terror. So, sana huwag nilang paniwalaan agad ‘yan. 

“I just become a terror to those who are not responsible and do not fulfill their duties as actors in the film. Those who don’t know what they’re doing or refuse to know what they are doing.

“Galit ako sa palaging late or those who make people wait, parang si Queen Elizabeth. I’d really reprimand them and correct their attitude. Lalo na ang mga artistang masama ang pagtingin sa maliliit na trabahador sa pelikula.

“Ayaw na ayaw ko niyon. Talagang sinasabihan ko sila. That’s why I’ve been called terror because I’ve been telling actors what they should not be doing. Maybe that’s why they’re angry.

“Kapag ang artista ay prepared at alam naman nila ang kanilang ginagawa, kapag may mga tanong sila sa akin bago nila gawin ang eksena, wala naman silang maririnig sa akin,” sambit pa ng beteranong direktor.

Ang Fall Guy ay istorya ng isang social media influencer na naging biktima ng injustice system dahil sa kanyang estado sa buhay.

Ang pelikula ay isinulat ni Troy Espiritu, ipinrodyus nina Len Carillo ng3:16 Media Network at John Bryan Diamante ng Mentorque Productions. Bukod kay Sean kasama rin sa pelikula sina Shamaine Buencamino, Vance Larena, Cloe Barreto,  Quinn Carillo, Marco Gomez, Karl Aquino, Jim Pebanco, Pancho Carrillo, Mark Cardona, Tiffany Grey, Azekah Alvarez, Nisa Ortiz, Hershie de Leon, at Itan Rosales.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Kathryn Bernardo Family

Kathryn Bernardo ambassador na ng Biogesic

IKINASIYA at ikinakilig ni Kathryn Bernardo ang pagiging health ambassador ng pinaka-pinagkakatiwalaang brand para sa sakit ng …

Marian Rivera Rhea Tan Bea Alonzo Beautederm

Ms. Rhea Tan super-kilig na may Marian na, may Bea pang endorsers ang Beautederm

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO angPresident at CEO ng Beautéderm na si Ms. Rhea …

Xian Lim Barbie Imperial

Xian nagpaliwanag sa kumakalat nilang litrato ni Barbie 

MA at PAni Rommel Placente BINIGYANG linaw ni Xian Lim sa interbyu sa kanya ng pep.ph ang pang-iintriga sa kanila ni Barbie Imperial dahil sa kumalat na litrato nila habang nasa lobby ng isang …

Vince Tañada Ang Bangkay

Vince umaasang maisasali sa mga filmfest abroad ang Ang Bangkay

HARD TALKni Pilar Mateo SINO Ang Bangkay!  Si Don Segismundo Corintho, ang biyudong embalsamador. Na ginagampanan ni Vince …

Kris Aquino Lolit Solis

Lolit Solis naiyak sa sulat ni Kris Aquino

MA at PAni Rommel Placente SABI ni Lolit Solis noong kaarawan niya, May 20, nagpadala sa kanya …