Wednesday , May 25 2022
Julia Barretto Sahil Khan Vic del Rosario

Sahil Khan, napa-iyak sa tuwa nang maging Viva contract artist

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAGAGANDANG break ang dumarating sa newbie actor na si Sahil Khan na nasa pangangalaga ngayon ng kilalang talent manager na si Jojo Veloso.

Unang sabak pa lang ni Sahil sa mundo ng showbiz, maganda na agad ang natoka sa kanyang role. Ito’y via Julia Barretto at Carlo Aquino starrer titled Expensive Candy na mula sa pamamahala ni Direk Jason Paul Laxamana.

Kaya naman sobrang thankful si Sahil sa pangyayaring ito.

Aniya “I’m very lucky to be a part of the movie at makasama sina Julia at Carlo na mga kilalang stars sa Philippines. I’m thesecond boyfriend of Julia Barretto in the movie, the other boyfriend is Carlo Aquno. In the movie, I’m a businessman there.”

Kuwento pa niya, “She loves money and I need love… and then she needs money, it’s like that ang relasyon namin ni Julia sa movie.

“One of Julia’s memorable dialogue to me is, ‘If you want to live with me and play with me, you need to pay me more.’ Julia’s charcter is always asking money to me, because she said, she is an expensive candy.”

Anong klaseng katrabaho sina Julia at Carlo?

Esplika ni Sahil, “I can say that cool silang katrabaho at supportive sa akin, because I’m new in showbiz.”

Si Sahil ay isang businessman at may mga negosyo siya sa Pampanga. Isa siyang Filipino-Afghan, dahil ang kanyang ama ay mula sa Afghanistan.

Pumirma siya ng 10 picture contract for five years sa Viva, kaya sobrang thankful siya kay Boss Vic del Rosario at sa manager niyang si Jojo Veloso.

Ayon kay Sahil, bata pa lang ay mahilig na siyang manood ng Bollywood movies at dream niyang makapasok sa showbiz.

Inusisa namin siya kung ano ang kanyang naramdaman nang pumirma ng kontrata sa Viva?

“Sa totoo, I was really surprised and just cried the day I sign my contract… and I’m super happy from senior road manager John Navarro and my manager Jojo Veloso and specially, from Boss Vic del Rosario for the opportunity to be an artist at Viva Artist Agency,” masayang esplika ni Sahil.

Ano ang career plans niya for Sahil?

Esplika ni Jojo, “Iyon, since foreigner siya or lumaki sa ibang bansa at di siya bihasa sa Tagalog, unang-una, kailangang mag-aral siya ng pagsasalita ng Tagalog. Iyon ang pinaka-importante and since gusto ko sa kanya ay malinya siya more on drama and action. Kasi kapag drama, kailangan bihasa siyas sa Tagalog, so nag-aaral siya right now.

“Natawa rin ako sa kanya, kasi nag-acting workshop siya, siya na mismo ang nag-initiate sa sarili niya Tapos kumuha rin siya ng fight instructor, nag-graduate siya sa workshop sa action.”

Nabanggit din ni Sahil kung gaano siya kasaya sa pangangalaga ng kanyang manager.

“I’m really happy, kasi he is giving me time, even if he is a very-very busy person. Specially, anyime that I call him, anytime I text, may time siya lagi sa akin. Kaya I’m really thankful that I wish the Lord will give me a chance to take care of him for the rest of my life,” sambit pa niya.

Aminado rin siyang super-excited na sa nalalapit na taping niya sa top rating TV series ni Coco Martin, ang FPJ’s: Ang Probinsyano.

Nakangiting wika ni Sahil, “Super-excited and I’m very happy. I’l be waiting on 23 April, magla-lock-in taping kami and I’m so happy and excited to work with Coco Martin as Cardo and Julia Montes.

“Ako ay sobrang happy and lucky talaga to be with known stars for my next project,” masayang sambit pa niya.

“But besides Expensive Candy and Ang Probinsyano, I have a short film na ang title ay My Dream Boy,” pakli pa ni Sahil na idinagdag pang in the future ay balak din niyang magprodyus ng pelikula.

About Nonie Nicasio

Check Also

Benz Sangalang

Benz nagtiyaga sa kamote para magka-abs

HARD TALKni Pilar Mateo NAGKABUKINGAN ba ng mga sikreto nila ang mga artistang mapapanood sa …

Globe Prepaid Virtual Hangout GaWatch Filmlab

Erik, Jade, JP, at Antoinette magbibigay workshop sa GoWatch Film Lab

I-FLEXni Jun Nardo ANG mga bigatin at acclaimed directors na sina Erik Matti,  Jade Castro, JP …

Lovi Poe Susan Roces

Lovi sa pagkawala ni Manang Inday — truly lost a gem

I-FLEXni Jun Nardo NAGBIGAY-PUGAY si Lovi Poe sa pumanaw na si Susan Roces.  Mabigat ang puso niya sa …

Denise Esteban

Paghuhubad ni Denise may blessing ng magulang

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “WALANG masama sa paghuhubad!’ Ito ang matapang na tinuran ng dating P-Pop …

Loisa Andalio Ronnie Alonbte Loinie

LoiNie ipon muna bago engagement  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio IPAGDIRIWANG na nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte ang kanilang 6th anniversarysa November pero …