Ara Mina Dave Almarinez

Asawa ni Ara artista na ang dating

I-FLEX
ni Jun Nardo

HINDI umusad ang motorcade  nina Ara Mina at asawang Dave Almarinez noong Sabado sa San Pedro, Laguna  nang dumugin ito ng maraming tao na nag-abang sa daan.

Ala sais ng gabi ang motorcade pero hanggang alas-tres ng madaling-araw ay may nag-aabang pa sa kanila, huh.

“Kahit wala ako, ganyan sila kung sumalubong kay Dave. Nakatutuwa dahil parang artista na si Dave at naghihiyawan sila ‘pag nakikita nila ang bebe ko,” sey ni Ara.

Inabot nang apat na oras ang motorcade dahil hindi ito umusad dahil sa traffic.

May nanalo na!” ang halos sigawan ng mga tao sa kalyeng nadadaanan ng motorcade.