Friday , May 27 2022
Sean de Guzman Len Carrillo

Sean de Guzman, kaabang-abang sa pelikulang Island of Desire

LAST Wednesday ay ginanap ang 22nd birthday ni Sean de Guzman. Sinabi ng napakabait na manager ni Sean na si Ms. Len Carrillo na gusto niyang mag-enjoy lang ang birthday boy kaya huwag na raw mag-interview.

Pero sa aming huntahan ay natanong namin ang isa sa pinaka-indemand na aktor sa Vivamax, kung ano ang kanyang birthday wish.

Nakangiting sagot ni Sean, “Ang birthday wish ko po, sana lahat ng pangarap natin ay matupad at sana tayong lahat ay magkaroon ng bahay.”

Naalala ko tuloy ang masayang tsikahan namin ni Sean, kasama si katotong Roldan Castro nang dumalaw kami sa last shooting day ng pelikulang Biyak last Saturday.

Kahit hindi kasama sa pelikula sina Sean, Marco Gomez, Chloe Barreto, at iba pang talents ni Ms. Len ay present sila rito para magbigay ng support sa launching movie nina Angelica Cervantes at Quinn Carrillo.

Anyway, dito’y natanong namin siya kung ano ang nabago sa kanyang buhay mula nang naging Sean de Guzman siya?

Saad ni Sean, “Nabago? Sa sarili ko po, ano eh… siguro ay mas nagkaroon po ako ng lakas ng loob na i-try ang lahat na bagay, mas tumapang, ganoon po.

“Iyon, mas nakakatulong po ako sa pamilya ko, mas nakakapag-provide na po ako ngayon. Hindi kagaya dati na namomroblema pa ako sa pera.

“Ngayon, siyempre, hindi na katulad ng dati… na iyon nga po, nakapag-provide na ako ng mga pangangailangan ng pamilya ko.”

“Nagpapatayo na siya ng bahay ngayon,” banggit ni Ms. Len na kasama namin sa table habang ini-interview si Sean.

Reaction naman dito ni Sean, “Ano po, eh, bahay muna ang inuna ko. Nag-iipon-nang nag-ipon, para sa bahay muna.”

Binibigyan ba niya ng time ang sarili na titigil na rin sa pagpapa-sexy pagdating ng tamang panahon?

Sagot ng actor, “Opo, may ganyan din po akong iniisip, kasi siyempre parang darating din tayo sa point na magkakaroon tayo ng edad, magkakapamilya tayo. So, siguro po kapag nakapag-ipon na, hahaha!

“So gagamitin muna ang katawan ngayon, hahahaha! Hindi po, siguro po kapag magpapamilya na ako, parang ganyan. Siguro po, hanggang sa makakaya ko pa (na magpa-sexy). Twenty two pa lang po ako, malayo pa po ang lalakbayin natin, bahala na po.”

Parang sinasamantala niya muna ba ang kabataan at kasariwaaan niya ngayon?

Nakatawang saad ni Sean, “Wow, hahahaha! Pero, parang ganoon na nga po. Pero kasi si Lord na lang po ang inaano ko sa ganyan, na kung ano man po ang project na ibinigay sa akin, iyon ang ginagawa natin.”

Nabanggit din ni Sean ang bago nbiyang pelikula sa Vivamax na palabas na ngayong April 1. “May pelikula po kami nina Christine Bermas, Jela Cuenca, Rash Flores, ang Island of Desire. Ang partner ko rito ay si Christine at ito po’y directed by Direk Joel Lamangan.”

Si Christine lang ba ang naka-love scene niya rito, si Jela hindi niya pinapak sa pelikulang iyan?

“Abangan na lang nila kung sino ang pinapak ko sa Island of Desire, hahaha! Nakatawang bulalas pa ni Sean.

Ano ang bagong makikita sa Island of Desire? “Ayaw ko po kasing masyadong magkuwento, baka po kasi ma-spoil yung movie. Pero, maganda po kasi ang istorya, kaya ibinigay po namin ang lahat ng mga katrabaho ko rito, ibinigay po namin ang aming best para mapaganda ang pelikula.”

Kamusta ang love scene nila ni Christine sa pelikulang ito? “Ano po eh, nailang po kami. Kasi siyempre, parang siya ang baby girl namin sa management namin, eh.

“Pero ang inisip ko na lang po, trabaho namin iyon na kailangan na maging professional, kailangang gawin ang trabaho. Na walang kapatid-kapatid… kapatid-tuwad! Ganoon, hahahaha” Pabirong wika pa ni Sean.

Incidentally, ang Biyak ay mula sa pamamahala ni Direk Joel Lamangan. Kasama rin sa pelikulang hatid ng3:16 Media Network ni Ms. Len sinaAlbie Casiño, Vance Larena, Jim Pebanco, Maureen Mauricio at Melissa Mendez.

About Nonie Nicasio

Check Also

Kathryn Bernardo Family

Kathryn Bernardo ambassador na ng Biogesic

IKINASIYA at ikinakilig ni Kathryn Bernardo ang pagiging health ambassador ng pinaka-pinagkakatiwalaang brand para sa sakit ng …

Marian Rivera Rhea Tan Bea Alonzo Beautederm

Ms. Rhea Tan super-kilig na may Marian na, may Bea pang endorsers ang Beautederm

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO angPresident at CEO ng Beautéderm na si Ms. Rhea …

Xian Lim Barbie Imperial

Xian nagpaliwanag sa kumakalat nilang litrato ni Barbie 

MA at PAni Rommel Placente BINIGYANG linaw ni Xian Lim sa interbyu sa kanya ng pep.ph ang pang-iintriga sa kanila ni Barbie Imperial dahil sa kumalat na litrato nila habang nasa lobby ng isang …

Vince Tañada Ang Bangkay

Vince umaasang maisasali sa mga filmfest abroad ang Ang Bangkay

HARD TALKni Pilar Mateo SINO Ang Bangkay!  Si Don Segismundo Corintho, ang biyudong embalsamador. Na ginagampanan ni Vince …

Kris Aquino Lolit Solis

Lolit Solis naiyak sa sulat ni Kris Aquino

MA at PAni Rommel Placente SABI ni Lolit Solis noong kaarawan niya, May 20, nagpadala sa kanya …