Tuesday , May 30 2023

Sean nawindang sa Eskanadalo

INAMIN ni Sean de Guzman na nawindang siya sa unang araw pa lamang ng shooting ng pelikulang Iskandalong Viva Films na idinirehe ni Roman Perez, Jr..

“Day one ng ‘Iskandalo,’ kagigising ko pa lang, kinakatok na ako ng isang production staff. First scene ako na kukunan then intimate scenes pa.

Sabi ko, ang ganda ng almusal ko, tapos ‘yung isang buong araw na ‘yun, nakakapagod dahil puro love scenes ang ginawa ko,” pagbabahagi ni Sean nang makausap namin ito sa isiangawang virtual media conference.

“Nakaka-drain pala, nakakaubos ng lakas,” natatawang sabi pa nito ukol sa ginawang sex scenes.

At kung naeskandalo agad sa mga kinunang eksena si Sean, mayroon din siyang hindi malilimutang pangyayari sa anyang buhay.

Pagkukuwento ni Sean, “Naeskandalo na rin po, pero hindi sex scandal. Hindi ko na pinatulan kasi hindi naman halata na ako ‘yun. Hindi naman kita ‘yung mukha ko. Ha-hahaha! Joke lang!”

At hindi na raw niya ito pinansan dahil katwiran ng binta, “Sa mga ganyang scandal po na kumakalat, dapat hindi na po pinapatulan kasi, kumbaga, every week, may mga bagong scandal na lumalabas, so natatabunan!” ang tumatawa pa ring sagot ng binata.

“Pero seryoso, huwag na lang po sigurong ikalat o bago gawin ‘yung isang bagay, pag-isipan po talagang mabuti kung ano ‘yung kalalabasan kasi ikaw din ang magsa-suffer,” paliwanag pa ni Sean na ang tinutukoy na eskandalo ay iyong sinasabing private video niya.

𝘔𝘢𝘳𝘪𝘤𝘳𝘪𝘴 𝘕𝘪𝘤𝘢𝘴𝘪𝘰

About hataw tabloid

Check Also

Yvonne Benavidez

Lady boss ng Mega-C na si Yvonne Benavidez, ibabalik ang kanyang negosyo  

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MATATAG pa rin ang lady boss ng vitamins na Mega C …

Arah Alonzo

Arah Alonzo, gaganap na stripper sa club sa Star Dancer ng Vivamax

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AFTER makilala sa mga project na Ssshhh ni Direk Roman …

KSMBPI MTRCB CCC

KSMBPI susuportahan Climate Change  Awarenes ng MTRCB, CCC 

HARD TALKni Pilar Mateo ISANG pasasalamat. CCC lauds MTRCB’s Climate Change Reduction Efforts. The Climate …

Jayda Avanzado Teen Clash

Jayda proud sa unang project na Teen Clash

MA at PAni Rommel Placente NGAYONG araw, May 26, ang huling episode ng Teen Clash, na pinagbibidahan nina …

Alfred Vargas Nora Aunor Jaclyn Jose Gina Alajar Adolf Alix Jr

Paghaharap nina Nora, Jaclyn, Gina
ALFRED FEELING NAPALILIGIRAN NG TITANS, SUPERHEROES 

MA at PAni Rommel Placente NATAPOS na ang shooting ng pelikulang Pieta na bida si Nora Aunor. Mula ito …