Friday , May 27 2022
Jonas Magpantay

Jonas Magpantay naghari sa 1st IMBA’s Place Taguig 10-Ball Open Tournament

MANILA—Pinagharian ni Jonas Magpantay ang  1st IMBA’s Place Taguig 10-Ball Open Tournament  nung Huwebes ng gabi, Marso 24, 2022 na ginanap sa IMBA’s Place Billiard Hall sa Taguig City.

Ang top player ng Bansud, Oriental Mindoro na si Magpantay na ang moniker ay “The Silent Killer” ay nagbulsa ng top prize P70,000 matapos talunin si Paolo Gallito  na may score na 11-6 sa finals. Natanggap ni Gallito ang P30,000 para sa runner-up place.

Nakapasok si Magpantay sa Finals matapos niyang talunin sina Jerico Banares, 9-6, sa Quarter Finals Match at Jason Sentillas, 9-5, sa Semifinals.

Habang kinakailangan namang talunin ni Gallito  sina Dennis Orcollo, 9-4, at  Angelo Ariola , 9-5, para makapuwersa ng titular showdown kay Magpantay.

-Marlon Bernardino-

About Marlon Bernardino

Check Also

Tank Davis Mayweather Rolando  Romero

 ‘Tank’ Davis huling laban na si Romero sa ilalim ng Mayweather Promotions

DESIDIDO si Gervonta ‘Tank’ Davis na kumalas na sa Mayweather Promotions pagkatapos ng laban niya …

PCAP Professional Chess Association of the Philippines

Cavite, Caloocan chessers humataw agad sa panimula ng  PCAP online chess tourney

MANILA—Malakas na sinimulan ng Cavite Spartans at Caloocan Loadmanna Knights ang kanilang kampanya matapos magtala …

Philracom Horse Race

2022 PHILRACOM ‘Gran Copa de Manila Cup’ lalarga sa San Lazaro

KINASASABIKAN na ng racing aficionados ang paglarga ng 2022 Gran Copa De Manila na itatakbo …

Chess

Jayag, Molinyawe kampeon sa Marinduque Rapid Chess tourney

PINAGHARIAN nina John Meneses Jayag at Cleiford Kortchnoi Molinyawe ang kani-kanilang dibisyon sa katatapos na …

Ramon Fernandez SEA games

PH squad nirepresenta ni Mon Fernandez  sa Viet SEA Games closing rites

HANOI – Tunay sa kanyang binitawang salita bilang ‘last man standing’,  nagpaiwan si national team …