Kris Aquino Josh Bimby

Kris ayusin muna ang kalusugan bago ang politika 

I-FLEX
ni Jun Nardo

LUMANTAD si Kris Aquino sa campaign rally ni VP Leni Robredo at ibang kasamahan nang sumugod sila sa Tarlac nitong nakaraang araw.

Eh sa speech ni Kris, naisingit niya ang senatoriable na kabilang sa UniTeam nina  BBM at Sara Duterte. Hinimok niyang huwag silang iboto dahil hindi tumutupad sa pangako ayon sa reports, huh!

Palaisipan tuloy sa mga tao kung sino sila pero sa nakasubaybay sa lovelife niya sa showbiz, parang sina Robin Padilla at Herbert Bautista ang pinatutungkulan niya.

Mas mabuting asikasuhin muna ni Kris ang kalusugan niya bago ang pulitika, huh!