Jillian Ward

Jillian ehemplo sa pagiging masinop sa buhay

I-FLEX
ni Jun Nardo

KAINGGIT naman itong si Jillian Ward dahil sa murang edad eh mayroon na siyang Porsche  sports car, huh!

Of course, sa murang edad  ni Jillian eh kumakayod na siya sa GMA series niya. Hanggang ngayon, visible pa rin siya’t isa siya sa atraksiyon sa Book 2 ng Prima Donnas.

Ehemplo sa mga kabataang artista ngayon si Jillian dahil sa karangyaang natatamasa dahil sa pagiging masinop sa pera at nakukuha ang gusto sa buhay, huh!