Saturday , May 21 2022
Alice Dixson

Alice ‘pinuntirya’ rin ng mga politiko

RATED R
ni Rommel Gonzales

MASAYANG ikinuwento ni Alice Dixson na may mga nanligaw sa kanyang mga politiko noon pero wala siyang natipuhan.

Natanong kasi si Alice kung noon ba ay pinangarap niya maging first lady.

Ginagampanan kasi niya sa GMA Telebabad series na First Lady si Ingrid, ang ex-girlfriend ng kasalukuyang presidente na si Glenn, na ginagampanan naman ni Gabby Concepcion.

Bago naging artista ay unang nakilala ng publiko si Alice bilang kinatawan ng Pilipinas sa Miss Internationalnoong 1986.

Kuwento ni Alice, “Mayroong mga nanligaw pero hindi ko sila type. And to be first lady, hindi ko naman ‘yan naisip.

“There are a lot of, let’s say, a lot of, hindi naman a lot, there were some suitors that were on the political side but wala talaga akong na-type-an.”

Para kay Ms. Pilar Pilapil, na isa ring beauty queen, kahit kailan ay hindi niya naisip o pinangarap na maging first lady.

Aniya, ”Well, we have been beauty queens but thinking about being first lady has never crossed my mind, actually.

“But what crossed my mind was to be able to help the country and that’s why I ran for senator before in 2004 and that’s what crossed my mind. That’s what I wanted to really do, to be able to be of help to the country and to do public service.

“But I believe that now that I am already spiritual and I’m also doing a lot of ministry work, I have a foundation, I’m able to fulfil that through my foundation.”

Mapapanood sina Alice at Ms. Pilar sa First Lady, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

About Rommel Gonzales

Check Also

Moira dela Torre Kathniel

Kumpas ni Moira ginawa para sa KathNiel at sa 2G2BT 

 OPISYAL nang inilabas ni Moira dela Torre ang comeback single niyang Kumpas na nagsisilbing theme song ng bagong ABS-CBN …

KD Estrada Flex

KD Estrada bagong image sa Flex 

TIYAK na marami ang nagulat sa bagong KD Estrada na nakita sa digital video magazine ng Star Magic, …

Elijah Canlas Kokoy de Santos Gameboys 2

Gameboys 2 maraming surprises! — Direk Perci Intalan

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga TINIYAK ni Direk Perci Intalan na maraming sorpresang dapat abangan ang fans sa The …

Lunch Out Loud LoL

Marites segment ng LOL nakaaaliw

MA at PAni Rommel Placente NAG-ENJOY kami ng kaibigan at kasama sa panulat na si Melba …

Sharon Cuneta Regine Velasquez

Friendship nina Sharon at Regine bumilang na ng maraming taon

MA at PAni Rommel Placente SA isang interview ni Sharon Cuneta, ibinahagi niya kung bakit bumibilang …