Friday , May 27 2022
Thea Tolentino Take Me To Banaue

Thea nakatulong ang workshop para sa Take Me To Banaue

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAG-AUDITION si Thea Tolentino para sa role niya bilang si Jinky sa Take Me To Banaue.

Kuwento sa amin ni Thea, “Binigyan po kami ng isang scene, isa sa mga highlight niyong movie, tapos iyon ‘yung shinoot ko, tapos ipinadala ko, tapos nag-Zoom meeting kami nina direk and ‘yun nga, sinabi na nakuha ako to play the role of Jinky.

“I’m really happy, feeling ko talaga I was chosen for this role kasi I have enough tools, naipakita ko ‘yun sa audition ko, talagang nakatulong sa akin.”

Nagpapasalamat si Thea sa mga workshop niya sa GMA sa ilalim nina Anna Feleo at Anthony Bova.

Kapag hirap na hirap ako, tatawag ako kay ate Anna, roon ako na-inspire para mas ibigay lahat sa audition ko. 

“Talagang sobrang nakatulong sila sa akin.”

At timing din na katatapos lamang ni Thea ng lock-in taping niya para sa upcoming GMA series na Lolong kaya puwede siyang mag-shoot para sa Take Me To Banaue.

Unfortunately ay baka hindi kasama si Thea sa mga eksena na kukunan sa Banaue, sa Baguio kukunan ang mga eksena niya.

Hindi pa naman siya nakapupunta sa Banaue.

“Iniisip ko nga parang gusto kong sumama sa kanila sa Banaue kahit wala akong isu-shoot doon. Tapos nag-Google maps ako ng Banaue akala ko malapit lang sa Baguio, six hours pa pala,” at natawa si Thea.

Ang Fil-Am movie na Take Me To Banaue ay mula sa Carpe Diem Pictures, isang independent movie production na based sa US.

Tampok din sa Take Me To Banaue sina Maureen Wroblewitz (bilang Grace), ang American actors na sina Brandon Melo (bilang Hank) at Dylan Rogers (bilang Jordan), kasama rin sina Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa (bilang Paloma) at ang Kapuso comedian-TV host na si Boobay (bilang Rocky).

Ang director/producer ng pelikula ay si Danny Aguilar, isang Filipino-American na naka-base sa Dallas, Texas sa USA. Ito ang kanyang directorial debut.

Katuwang niyang isinulat ang screenplay ng Take Me To Banaue si Jason Rogers.

Line-produced ni Monch Bravante, ang setting ng kabuuan ng pelikula ay sa Baguio City at sa Banaue, Ifugao.

About Rommel Gonzales

Check Also

Kathryn Bernardo Family

Kathryn Bernardo ambassador na ng Biogesic

IKINASIYA at ikinakilig ni Kathryn Bernardo ang pagiging health ambassador ng pinaka-pinagkakatiwalaang brand para sa sakit ng …

Marian Rivera Rhea Tan Bea Alonzo Beautederm

Ms. Rhea Tan super-kilig na may Marian na, may Bea pang endorsers ang Beautederm

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO angPresident at CEO ng Beautéderm na si Ms. Rhea …

Xian Lim Barbie Imperial

Xian nagpaliwanag sa kumakalat nilang litrato ni Barbie 

MA at PAni Rommel Placente BINIGYANG linaw ni Xian Lim sa interbyu sa kanya ng pep.ph ang pang-iintriga sa kanila ni Barbie Imperial dahil sa kumalat na litrato nila habang nasa lobby ng isang …

Vince Tañada Ang Bangkay

Vince umaasang maisasali sa mga filmfest abroad ang Ang Bangkay

HARD TALKni Pilar Mateo SINO Ang Bangkay!  Si Don Segismundo Corintho, ang biyudong embalsamador. Na ginagampanan ni Vince …

Kris Aquino Lolit Solis

Lolit Solis naiyak sa sulat ni Kris Aquino

MA at PAni Rommel Placente SABI ni Lolit Solis noong kaarawan niya, May 20, nagpadala sa kanya …