Thursday , May 26 2022
Calista

Calista bagong girl group na hahangaan

MA at PA
ni Rommel Placente

NOONG March 8, Tuesday, ay ipinakilala sa entertainment media ang I-Pop all girl group na Calista, na binubuo nina Olive, Laiza, Anne, Denise, Elle and Dain.  Sila ay nasa pangangalaga ng TEAM (Tyronne Escalante Artist Management).

Sabay sa pagpapakilala sa kanila, ay ang pag-release ng kanilang debut single titled Race Car at ng music video nito. Ito ay produced ng Merlion Events Production Inc. Ang sumulat ng kanta ay si Marcus David.

Sa tanong sa Calista, kung paanong nabuo ang kanilang grupo, ang sagot nila ay dumaan sila sa audition.

Sabi ni Laisa, “More than 100 po kaming nag-audition. Ang nagpa-auditon po is ‘yung talent management namin, ‘yung TEAM. Nagpa-audition po siya for girl group.

Nagkaroon po ng trim down, hanggang naging 50, 25, hanggang naging anim na kami.

“Nagkaroon din kami ng evaluation sa isa’tisa.”

In fairness sa Calista, puro sila magaganda at mahuhusay kumanta at sumayaw. Hataw sila sa kanilang performance bago nag-umpisa ang media conference proper. No wonder, na sa rami ng nag-audition para mapabilang sa grupo ay silang anim ang napili.

Anga Calista ay magkakaroon ng concert billed as Vax To Normal sa April 26, 2022, 6:00 p.m, sa Smart Araneta Coliseum.

Magiging special guests nila rito sina Yeng Constantino, AC Bonifacio, Elmo Magalona, Andrea Brillantes, Ken San Jose, at Darren Espanto. Ang magdidirehe ng naturang concert ay si Nico Faustino. Ang magko-choreograph ay ang dance icon na si Nash Jeniola at si Soc Mina ang musical director.

For more information and inquiries regarding Vax To Normal, please visit their website:merlionproduction.com. And to know more about Calista,  check out their website at calistasocials.com and follow them on Facebook (Calista PH).

About Rommel Placente

Check Also

Bea Alonzo spain house

Pagbili ng apartment ni Bea sa Spain sisiw lang sa aktres

REALITY BITESni Dominic Rea SISIW lang o barya lang para kay Bea Alonzo ang halaga ng binili …

Xian Gaza Barbie Imperial

‘Lampungan’ sa socmed nina Barbie at Xian saan mauuwi?

REALITY BITESni Dominic Rea MAY patutunguhan ‘yang ‘lampungan’ sa social media o exchange of words …

Cara Gonzales Ikaw Lang Ang Mahal

Cara Gonzales palaban bilang direktor na pokpok

HARD TALKni Pilar Mateo ANO ba ‘yung pinanood ko? Ibang klase talaga itong si Direk Richard …

Sylvia Sanchez Lee Jung-jae

Sylvia nakadaupang palad si Lee Jung-jae

PROUD na ibinahagi ni Sylvia Sanchez sa kanyang social mediaaccount ang picture nila ng Korean superstar na …

Regine Velasquez Moira dela Torre Gary V Chito Miranda

Regine, Moira, Chito, at Gary mga hurado ng Idol Phils Season 2

NAGBABALIK ang pinakamalaking singing competition sa bansa, ang Idol Philippines  sa ikalawang season nito kasama ang minahal …