Saturday , May 28 2022
The Hitman’s Wife’s Bodyguard

Ryan Reynolds at Samuel Jackson nagbabalik sa The Hitman’s Wife’s Bodyguard 

HUMANDA sa umaatikabong aksyon at walang katapusang katatawanan sa pagbabalik sa big screen ng Killer Duo nina Ryan Reynolds at Samuel L. Jackson na sasamahan pa ni Salma Hayek.

Ngayong March, inihahandog ng VIVA International Pictures at MVP Entertainment ang The Hitman’s Wife’s Bodyguard, sequel ng 2017 breakout hit ng pelikulang, The Hitman’s Bodyguard.”

Apat na taon makalipas ang mga pangyayari sa unang pelikula, magkikitang muli ang unlicensed bodyguard na si Michael Bryce (Ryan Reynolds) at ang Hitman na si Darius Kincaid (Samuel L. Jackson) upang magsimula sa isang bagong misyon na iligtas ang asawa ni Darius na si Sonia (Salma Hayek) sa mga bagong panganib. Habang abala sila na manatiling buhay sa gitna ng mga panganib, malalaman nila na sila lang ang tanging pag-asa upang mapigilan ang masamang balak sa Europa ng isang mapaghiganting pilantropo (Antonio Banderas). Sasali rin sa kasiyahan at kaguluhan ang batikang aktor na si Morgan Freeman para sa isang surprise role.

Ayon sa direktor na si Patrick Hughes, nasa proseso pa lang ng editing ng The Hitman’s Bodyguard, naisip na niya ang konsepto para sa sequel. Napamahal na siya sa mga karakter, kaya naman naisip niya kung ano na ang pwedeng mangyari sa kanila pagkatapos ng unang pelikula, at dahil dito ay nagawa niya ang sequel movie. 

Kilala si Patrick sa kanyang mga action film gaya ng Red Hill at The Expendables 3. Ang The Hitman’s Bodyguard at The Hitman’s Wife’s Bodyguard ang kanyang mga unang action-comedy film. 

Ayon kay Patrick, nasa action-comedy film ang kanyang dalawang hilig sa pelikula: ang makatrabaho ang magagaling na mga aktor, at ang magpasabog ng mga bagay.

Panoorin ang makapigil-hiningang aksyon at katatawanan na hatid ng Killer Threesome  ngayong March 9, 2022. Mapapanood sa lahat ng sinehan.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Kathryn Bernardo Family

Kathryn Bernardo ambassador na ng Biogesic

IKINASIYA at ikinakilig ni Kathryn Bernardo ang pagiging health ambassador ng pinaka-pinagkakatiwalaang brand para sa sakit ng …

Marian Rivera Rhea Tan Bea Alonzo Beautederm

Ms. Rhea Tan super-kilig na may Marian na, may Bea pang endorsers ang Beautederm

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO angPresident at CEO ng Beautéderm na si Ms. Rhea …

Xian Lim Barbie Imperial

Xian nagpaliwanag sa kumakalat nilang litrato ni Barbie 

MA at PAni Rommel Placente BINIGYANG linaw ni Xian Lim sa interbyu sa kanya ng pep.ph ang pang-iintriga sa kanila ni Barbie Imperial dahil sa kumalat na litrato nila habang nasa lobby ng isang …

Vince Tañada Ang Bangkay

Vince umaasang maisasali sa mga filmfest abroad ang Ang Bangkay

HARD TALKni Pilar Mateo SINO Ang Bangkay!  Si Don Segismundo Corintho, ang biyudong embalsamador. Na ginagampanan ni Vince …

Kris Aquino Lolit Solis

Lolit Solis naiyak sa sulat ni Kris Aquino

MA at PAni Rommel Placente SABI ni Lolit Solis noong kaarawan niya, May 20, nagpadala sa kanya …