Friday , May 27 2022
arrest, posas, fingerprints

Sa Nueva Ecija
2 HVT TIMBOG, DERETSO SA HOYO

ARESTADO ang dalwang high value target (HVT) sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Science City of Muñoz, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Sabado, 26 Pebrero.

Kinilala ang mga suspek na sina Jeric Valdez, 27 anyos, empleyado ng Science City of Muñoz LGU, residente sa Brgy. Balante; at Arvin Duran, 24 anyos, isang kolektor.

Nakompiska mula sa mga suspek ang tatlong plastic sachet ng hinihinalang shabu na tumtimbang ng 0.24 gramo at tinatayagng nagkakahalaga ng P3,000, motorsiklo, may plakang AE19965, at isang Android phone.

Nakatakdang sampahan ang dalawang suspek ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

riding in tandem dead

Sa Tuao, Cagayan
BARANGAY CHAIR TODAS SA TANDEM

PATAY ang isang barangay chairman na sakay ng kanyang motorsiklo nang barilin ng hindi kilalang …

explode grenade

Sa San Ildefonso, Bulacan,
BAHAY NG KAPITAN HINAGISAN NG GRANADA

NAWASAK ng shrapnel mula sa inihagis na granada ang ilalim ng pick-up truck, pag-aari ng …

Bulacan Police PNP

6 MWPs sa Bulacan isa-isang naihoyo 

ISA-ISANG nahulog sa kamay ng batas ang anim na kalalakihang pinaghahanap ng batas at sinasabing …

rape

Call center agent na katagay hinalay
TEACHER ARESTADO

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking guro matapos ireklamo ng panghahalay sa isang dalagang …

road traffic accident

Nasipa ng baka
RIDER NASAGASAAN NG TRUCK, PATAY

ISANG rider ang binawian ng buhay nang masagasaan ng isang truck matapos masipa ang kaniyang …