Eugene Domingo Mikael Daez Megan Young Dexter Doria Chanda Romero

Uge walang pagsisisi, show naka-6 na taon

I-FLEX
ni Jun Nardo

ANIM na taon sa GMA  ang Dear Uge ni Eugene Domingo. Walang pagsisisi sa pagtatapos ng kanyang programa.

Sa halip eh, tumatanaw ng utang na loob sa GMA, nakasama at nakatrabaho si Uge. Imagine nga naman, kahit pandemic eh nagagawa pa rin nilang umere, huh!

Papalit sa show ni Eugene ang  show ni Mikael Daez tungkol sa mga world records achievments.

Wala pang pahayag kung ano ang magiging kasunod na buhay kundi man programa ni Uge.