Wednesday , May 25 2022
Cindy Miranda

Cindy ‘di ma-social media — Judgmental ang mga tao, nag-iingat ako  

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

IWASAN  at mag-ingat sa anumang ginagawa. Ito ang payo ni Cindy Miranda sa mga taong nai-involve sa isang eskandalo.

Sa digital story conference ng pinakabagong ihahandog ng Viva Films, ang Iskandalo na nagtatampok kay Cindy kasama sina AJ Raval, Jamilla Obispo, Sean de Guzman, Jay Manalo, Pio Balbuena, Francis Maguindayao, Carlene Aguilar, Arvic Tan, Christopher Roxas, Ayanna Misola, Angela Morena, Joonee Gamboa, Julio Diaz, Raul Morit, Rocky Salumbides, Evangeline Pascual natanongsila kung ano ang gagawin nila kung mangyari sa kanila ang nangyari sa isang karakter sa kanilang serye na na-involve sa isang sex scandal.

If ever mangyari sa akin na magkaroon ako ng sex scandal, mahirap ano? Kasi kapag andyan na iyan hindi mo na mababawi, hindi na ‘yan mawawala, hindi na mae-erase lalo na social media ‘yan ‘di ba?,” umpisa ni Cindy. “You just have to accept na nangyari ‘yan sa buhay mo. And what to do after that, maybe may magawa ako roon, iwasan mo na lang magawa (eskandalo) iyon.

“I mean dapat gawin, iwasan sana. And you really have to be really careful sa lahat ng ginagawa mo. Hindi lang ibig sabihin sa partner mo lang gagawin iyon. But be careful sa lahat ng mga sitwasyon, para hindi ka mabiktima sa mga ganoong sitwasyon. Iyong mai-video ka, magkaroon ka ng scandal, because once it’s in social media you can never erase it. Kasi people can download it, can save it, and you just have to accept it and be careful the next time. So be careful  lagi.”

Payo pa ni Cindy. “And sana sa magiging partner mo, sa magiging kasama mo you trust them that they will not do that to you or ‘yung mga nasa paligid mo.”

Sakali namang ma-involve sa isang eskandalo ang mahal niya sa buhay o pamilya, paano ipagtatanggol ni Cindy?

 “Hindi ako ma-social media. I feel kasi na ang mga tao sa social media very judgmental. May masabi ka lang, they judged you for that. Medyo nag-iingat ako talaga.

“I don’t want to be quoted because sometimes when galit tayo sa ibang tao dahil may nang-aaway sa atin, tinatapakan ang pagkatao natin, nagra-rant tayo, pinipigil ko talaga sarili ko na magsalita sa social media. I’m not really a social media person din. 

“If that’s will happen (scandal) to my family, maybe I will not post anything in social media para awayin ang mga taong iyon. I will not do the same. Pero I will make a way to talk to that person. And lalo na kung mali ang ginawa niya, I will talk and ayusin, hindi ako makikipag-away. And ayaw ko rin ng may kaaway,” paliwanag pa ni Cindy.

Ang Iskandalo ay idinirehe nina Roman Perez Jr at Ring Perez.   

Sinabi naman ni direk Roman na si Boss Vic del Rosario mismo ang namili sa mga magsisiganap sa seryeng ito.  

“Ang daming cast talaga ito, gusto ni Boss Vic at ng management na ito ang pinakamalaking series na magagawa. So parang all star, nagsama-sama rito mula sa mga pelikulang naipalabas sa Vivamax. Walang audition na naganap. Hand-picked ito ni Boss Vic, pinili namin ito isa-isa para magkaroon ng ganito kalaking cast. 

“First time ito sa Vivamax. At talagang gusto ni Boss Vic na malaki talaga ang series na ito,” wika ni direk Roman.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Benz Sangalang

Benz nagtiyaga sa kamote para magka-abs

HARD TALKni Pilar Mateo NAGKABUKINGAN ba ng mga sikreto nila ang mga artistang mapapanood sa …

Globe Prepaid Virtual Hangout GaWatch Filmlab

Erik, Jade, JP, at Antoinette magbibigay workshop sa GoWatch Film Lab

I-FLEXni Jun Nardo ANG mga bigatin at acclaimed directors na sina Erik Matti,  Jade Castro, JP …

Lovi Poe Susan Roces

Lovi sa pagkawala ni Manang Inday — truly lost a gem

I-FLEXni Jun Nardo NAGBIGAY-PUGAY si Lovi Poe sa pumanaw na si Susan Roces.  Mabigat ang puso niya sa …

Denise Esteban

Paghuhubad ni Denise may blessing ng magulang

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “WALANG masama sa paghuhubad!’ Ito ang matapang na tinuran ng dating P-Pop …

Loisa Andalio Ronnie Alonbte Loinie

LoiNie ipon muna bago engagement  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio IPAGDIRIWANG na nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte ang kanilang 6th anniversarysa November pero …