Sanya Lopez Alice Dixson

I-FLEX
ni Jun Nardo

MARAMING dagdag na characters sa sequel ng First Yaya na First Lady na mapapanood simula ngayong gabi.

Mas maraming magpapahirap sa bidang si Sanya Lopez na first lady na ngayon ni Gabby Concepcion.

Nariyan si Alice Dixson na iniwan ni  Gabby. Kasama rin sa First Lady ang mga Tita Malditas na dating First Lady na sina Isabel Rivas, Francine Prieto, at Samantha Lopez.

Ang First Yaya ang most-watched Kapuso series noong 2021.

Anyway, Happy Valentine’s Day sa lahat ng Hataw readers!