Thursday , July 25 2024
Rustica Carpio

Veteran actress Rustica Carpio pumanaw sa edad 91

NAMAALAM na ang award-winning veteran actress at direktor na si Rustica Carpio  noong Feb. 1 sa edad na 91. Kinompirma ito ng kanyang mga pamangkin na sina Myrea Baquiran at Nessea Carpio sa pamamagitan ng social media.

Anang mga pamangkin, binawian ng buhay ang beteranang aktres sa bahay nito sa Cavite,

We wish you farewell in your journey to eternity. You’d never be forgotten. Rest in peace, Tita Rustica Carpio,”mensahe ni Nessea sa kanyang Facebook account.

Sinabi naman ni Myrea na kahapon, Feb. 2, isasagawa ang cremation sa labi ni Carpio.

Bukod sa pagiging aktres at direktor, isa ring author, playwright, scholar, literary critic at book editor si Carpio. Naging dean din siya ng College of Languages and Mass Communication (College of Communication) sa Polytechnic University of the Philippines.

Kabilang sa mga karakter na ginampanan niya noon sina Lady Macbeth, Sisa, Teodora Alonzo, Leonor Rivera at marami pang iba.

Ang una niyang pelikula niya ay ang Nunal sa Tubig na ipinalabas noong 1975 na idinirehe ng National Artist for Cinema na si Ishmael Bernal. Nabigyan din ng mga parangal si Carpio tulad ng  Best Actress sa 33rd Gawad Urian noong 2010 para sa pelikula ni Brillante Mendoza na Lola.

Sa Lola rin siya kinilala bilang Crystal Simorgh Best International Actress sa 2011 Fair International Film Festival (Iran), at best actress sa 2010 Las Palmas International Film Festival (Gran Canaria, Spain).

Ang iba pang mga pelikulang nagawa ni Carpio ay ang Aliw (1979), Bona (1980), T-Bird At Ako (1981), Moral (1982), Rizal In Dapitan (1997), at Captive (2012). 

Mula sa Hataw, ang taos-puso naming pakikiramay sa mga naiwan ni Dean Carpio.

About hataw tabloid

Check Also

Benhur Abalos Perci Intalan

Birthday ni Sec Benhur dinaluhan ng mga kaibigan sa showbiz at politics; Direk Perci sinagot pasaring ni Atty. Topacio

PUNOMPUNO ang EDSA Shangri-la Hotel noong Biyernes dahil mula sa mga kaibigan   sa showbiz at politics …

Quinn Carillo Christine Bermas Itan Rosales Kaskasero

Christine nakatulong pagiging palaban sa pagpasok sa Wil to Win

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAPWA magaling na aktres sina Quinn Carillo at Christine Bermas ng Vivamax kaya mula sa  pagpapa-sexy ay …

Marian Rivera Kath Melendez Nekocee

Kath Melendez ng Nekocee na-starstruck kay Marian

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAKING challenge para sa production ng Cinemalaya movie ni Marian Rivera, ang Balota kung paano siya …

Nora Aunor Maricel Soriano Alden Richards

Nora, Maricel, at Vilma triple tie for best actress sa 40th Star Awards

ni ROMMEL GONZALES TABLA, yes it’s a tie sina Dingdong Dantes at Alden Richards bilang Movie Actor of the …

Kumu

KUMU  top live streamers  ng SM Agency gustong pasukin ang showbiz

MATABILni John Fontanilla MAGANDA ang bawat kuwento ng  ilang top live streamers ng  SM Agency na umatend …