Carmina Villaroel Widow’s Web

Carmina sobra ang ngawa nang lumayas sa kanilang bahay

I-FLEX
ni Jun Nardo

LAYAS muna sa kanyang pamilya si Carmina Villaroel! Pero teka, wala silang problema ng asawang si Zoren Legaspi, huh!

Kinailangang sumabak na sa lock in taping ng bago niyang Kapuso series si Mina, ang Widow’s Web. Ito ang una ring directorial job sa GMA ni direk Jerry Sineneng.

Tapos na rin kasi sa taping niya ang anak na si Mavy Legaspi kaya si Zoren muna ang alaga sa kambal nilang anak.

Siyempre, iyak si Carmina nang magpaalam sa pamilya para sa lock in taping.