Saturday , May 21 2022
Aiko Melendez

Aiko aminadong hirap na hirap sa Prima Donnas 2

MA at PA
ni Rommel Placente

AYON kay Aiko Melendez, kung challenging ang mga pinaggagawa niya sa book 1 ng serye nilang Prima Donnas bilang si Kendra, na dalawang best supporting actress award ang napanalunan niya dahil sa kanyang role, mas pinahirapan pa siya sa book 2. Lahat na kasi ng klase ng emosyon ay ipinakita niya rito, lalo na ang mga eksena niya sa mental hospital.

Sabi ni Aiko, “Hirap na hirap ako sa role ko. Mas challenging siya kaysa book 1. There were days na nawawala ako, kasi ang dami ko ring ginagawa sa labas as I am running for congress sa election.”

Nang mapanood niya ang sarili na baliw-baliwan sa isang eksena sa nasabing serye, ang naging reaksiyon niya ay, “Nagawa ko ba talaga ‘yun?” 

Mahirap kasi ang eksenang ‘yun kaya ganoon ang reaksiyon ni AIko. Pero sa isang gaya niya na mahusay na artista, in fact, isa siyang award-winning actress, kahit naman anong klase ng role ang ipagawa o ibigay sa kanya ay nagagampanan niya ‘yun nang buong husay.

About Rommel Placente

Check Also

Moira dela Torre Kathniel

Kumpas ni Moira ginawa para sa KathNiel at sa 2G2BT 

 OPISYAL nang inilabas ni Moira dela Torre ang comeback single niyang Kumpas na nagsisilbing theme song ng bagong ABS-CBN …

KD Estrada Flex

KD Estrada bagong image sa Flex 

TIYAK na marami ang nagulat sa bagong KD Estrada na nakita sa digital video magazine ng Star Magic, …

Elijah Canlas Kokoy de Santos Gameboys 2

Gameboys 2 maraming surprises! — Direk Perci Intalan

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga TINIYAK ni Direk Perci Intalan na maraming sorpresang dapat abangan ang fans sa The …

Lunch Out Loud LoL

Marites segment ng LOL nakaaaliw

MA at PAni Rommel Placente NAG-ENJOY kami ng kaibigan at kasama sa panulat na si Melba …

Sharon Cuneta Regine Velasquez

Friendship nina Sharon at Regine bumilang na ng maraming taon

MA at PAni Rommel Placente SA isang interview ni Sharon Cuneta, ibinahagi niya kung bakit bumibilang …