Thursday , March 30 2023
Jos Garcia

Jos Garcia apektado ng lockdown sa Japan

MATABIL
ni John Fontanilla

LOCKDOWN ngayon sa Japan dahil sa pagtaas ng kaso ng Covid 19 dahil sa Omicron virus kaya naman nakapagpahinga ng bahagya ang International Pinay singer na si Jos Garcia sa kaliwa’t kanang show niya roon.

During the time kasi na ‘di pa lockdown sa Japan ay sunod-sunod ang shows at guestings  ni Jos sa iba’t ibang sikat na bars and hotels sa sa Japan, kaya naman naapektuhan kahit paano ang singer na naantala ang ibang mga naka-line-up niyang shows.

Noong nakaraang taon at kasagsagan ng Covid pandemic ay hataw sa dami ng shows si Jos, bukod sa nag-release ito ng ilang kanta kasama ang isang Christmas song. Abala rin ito sa guestings sa mga virtual show.

Last year din ay umani ito ng papuri at parangal sa ilang award giving bodies. Nagkaroon din ito ng sariling on line show sa Channel 31.

This year nga ay nagbabalak magbakasyon sa Pilipinas silJos para sa promotion na rin ng kanyang new song  at magkaoon ng konsiyerto para sa kanyang mga supporter.

About John Fontanilla

Check Also

Direk Brillante ‘di inakalang sisikat si Coco

RATED Rni Rommel Gonzales SI Brillante Mendoza ang direktor ng Masahista noong 2005, ang pelikulang ito ang pinakaunang lead …

Krista Miller Nika Madrid Andrew Gan

Krista Miller nanligaw ng babae

RATED Rni Rommel Gonzales PASABOG ang rebelasyon ni Krista Miller na siya ay nanligaw na ng babae. …

Andrea Brillantes Ricci Rivera BlackPink

Andrea sa promprosal kay Ricci — ako po dapat dahil ako yung artist ng Star Magic

MA at PAni Rommel Placente SINAGOT ni Andrea Brillantes ang isang basher na tila sinita siya sa …

Lai Austria

Model, vlogger ‘di kayang magpakita ng kahubdan

I-FLEXni Jun Nardo HINDI kayang magpakita ng maselang parte ng katawan ang model, content creator, …

Althea Ablan Jillian Ward

Althea tinalbugan na raw si Jillian 

I-FLEXni Jun Nardo KABILANG ang Sparkle artist na si Althea Ablan sa comfy summer outfits ng BNY clothing matapos i-launch ng Kapamilya young …