Friday , May 27 2022
Gretchen Barretto Love essential
Gretchen's friends (from left) Ana Abiera, Rusky Fernandez (third), Grace Medina (fourth), with Dr. Arturo S. De La Peña, president and CEO of St. Luke’s Medical Center (second), and Luilyn Sindac, manager of Health and Wellness Center St. Luke’s Medical Center-Global City.

Gretchen nililibot ang mga ospital para ibahagi ang kanyang Love essential

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAKABIBILIB talaga si Gretchen Barretto dahil hindi lang taga-showbiz ang binahaginan niya ng ayuda. Nabalitaan naming nakarating na rin sa mga medical frontliner sa San Lazaro Hospital ang kanyang sako-sakong bigas (na special rice talaga) noong Biyernes.

Kaya naman ganoon na lamang ang pasasalamat ng resident doctor nitong si Dr. Cherry Abrenica na contact ni Greta na kalaunan ay naging kaibigan na rin, dahil sa tagal nang nagbibigay tulong ng ng actress-socialite-philantrophist sa nasabing pagamutan. 

Mga 2014 o 2015 nagsimulang magbigay ng tulong ni Gretchen dito sa amin. Dinadala pa n’ya dati ang anak n’ya (Dominique) at mga pamangkin,” kuwento ng doktora.

May kabuuang 1,328 sacks of rice ang ipinadala ni La Greta sa buong healthcare workers ng ospital kaya naman nagpasadya pa ng imahe ni San Lazaro si Doc Abrenica na hindi nabibili sa kahit saang religious stores at ibinigay sa aktres. Iyon ay bilang pasasalamat nila sa palaging pagtulong sa kanila.

Kasama sa namahagi ng sako-sakong bigas ang isa sa closest friends ni Greta, si Grace Medina.

Bukod sa San Lazaro hospital namahagi rin ng 3,406 sakong bigas si Gretchen sa  mga empleado ng St. Luke’s Global sa Taguig City kasama ang kanyang mga kaibigang sina Rusky Fernandez ng Resorts World Manila at ang dating actress at negosyanteng si Ana Abiera

Ani Gretchen malaki ang pasasalamat niya sa mga empleado ng St Luke’s Global dahil inalagaan ng mga ito ang inang si Mommy Inday nang na-confine noon dahil sa Covid-19.

Ang next stop ng Team G para mamahagi ng 1,800 bigas ay sa Philippine General Hospital o PGH ngayong araw, Martes.

Ang susunod na tatlong ospital na makatatanggap din ng special gift na bigas mula sa kabutihan ni Gretchen ay ang St. Luke’s Hospital at National Children’s Hospital sa Quezon City, at ang National Center for Mental Health o NCMH sa Mandaluyong City.

At hindi pa riyan natatapos ang pamamahagi ni Greta ng kanyang Love essential dahil marami pang ospital ang naka-lineup para bahaginan niya ng tulong.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Kathryn Bernardo Family

Kathryn Bernardo ambassador na ng Biogesic

IKINASIYA at ikinakilig ni Kathryn Bernardo ang pagiging health ambassador ng pinaka-pinagkakatiwalaang brand para sa sakit ng …

Marian Rivera Rhea Tan Bea Alonzo Beautederm

Ms. Rhea Tan super-kilig na may Marian na, may Bea pang endorsers ang Beautederm

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO angPresident at CEO ng Beautéderm na si Ms. Rhea …

Xian Lim Barbie Imperial

Xian nagpaliwanag sa kumakalat nilang litrato ni Barbie 

MA at PAni Rommel Placente BINIGYANG linaw ni Xian Lim sa interbyu sa kanya ng pep.ph ang pang-iintriga sa kanila ni Barbie Imperial dahil sa kumalat na litrato nila habang nasa lobby ng isang …

Kris Aquino Lolit Solis

Lolit Solis naiyak sa sulat ni Kris Aquino

MA at PAni Rommel Placente SABI ni Lolit Solis noong kaarawan niya, May 20, nagpadala sa kanya …

Jomari Yllana, Abby Viduya, Priscilla Almeda

Abby masaya sa pagwawagi ni Jomari

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA si Abby Viduya sa pagkapanalo ni Jomari Yllana bilang councilor ng District 1 ng  Parañaque. …