Thursday , May 26 2022
Marian Rivera Dingdong Dantes Zia Ziggy

Dingdong at pamilya nagpositibo sa Covid

RATED R
ni Rommel Gonzales

INIHAYAG ni Dingdong Dantes na nagpositibo siya at ang kanyang pamilya sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa Facebook post, sinabi ng Kapuso actor na huling araw na ng kanyang quarantine nitong Linggo.

Ibinahagi rin niya ang hirap nila sa nakalipas na dalawang linggo.

Nagkasintomas sila ng sakit at nang magpa-test ay nagpositibo sila sa virus. Mabuti na lang at bakunado na sila ng COVID-19 vaccines at may booster na rin.

Hanggang sa lahat kami rito sa bahay nilagnat na at nagkaroon ng sintomas kaya iniisip namin mukhang ‘eto na ‘yun, mukhang nasama na kami sa surge so nag-test kami at ‘yun na nga nag-positive kami sa COVID,” kuwento ng aktor.

Hindi namin alam kung saan at paano kami nahawa pero mabuti nalang [ay] mild lang ang simtomas namin,”dagdag niya.

Dahil hindi sila makalabas para bumili ng gamot at pagkain, nagpapasalamat si Dingdong sa mga tumulong sa kanila, kabilang ang mga kaanak at mga kaibigan, lalo na sa kanyang ina na nagpapadala ng paboritong pagkain ng kanyang mga anak.

Sinabi ni Dingdong na mabuti na ang pakiramdam niya, at hindi dapat ikahiya kung dapuan ng COVID-19.

“Hindi po kasalanan o dapat ikahiya ang pagkakaroon ng COVID kasi kahit anong pag-iingat ang gawin, nandiyan pa rin ang panganib na makuha ito,” saad niya.

Bukod sa pagsunod sa health protocols, sinabi ni Dingdong na dapat magpabakuna at booster shots.

“’Yung pagsubok na ‘to na pinagdaraanan natin ng buong mundo, isang napakahirap na hamon para sa ating lahat pero malalampasan nating lahat ito kung tayo’y magtutulungan at patuloy na iisipin ang kapakanan ng bawat isa,” ayon sa aktor na bida sa I Can See You: AlterNATE ng GMA.

About Rommel Gonzales

Check Also

Blind Item, Man Leaving Sad Woman, magandang aktres

Male star kompirmadong gurl

HATAWANni Ed de Leon “KUNG hindi siya bading, bakit siya ‘nag-land of the morning’ noong …

Joshua Garcia Trina Guytingco

Joshua nilinaw ‘di niya syota si Trina Guytingco

HATAWANni Ed de Leon NILINAW ni Joshua Garcia na hindi niya syota kundi tinukso lang sila ni Trina …

Angeli Khang Sharon Cuneta

Sorry Sharon mas feel na ng netizens si Angeli Khang

HATAWANni Ed de Leon MARAMING observers ang nagsasabi, iyon daw nakaraang eleksiyon ay sobrang maraming …

Rhea Tan Marian Rivera Beautéderm Home

Marian budol ng buhay ko; Pinayaman pa niya ako — Rhea Anicoche Tan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SA apat na taong pagiging endorser ni Marian Rivera-Dantes ng Beautederm Home lumalim na …

Rhea Anicoche Tan Marian Rivera Dantes Beautéderm Home

Beautéderm Home at Marian Rivera-Dantes, solid na solid pa rin!

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ENGRANDENG pagdiriwang ng pagmamahalan at pagkakaibigan and idinaos ng Beautéderm Home …