Yorme Isko Moreno Xian Lim Mccoy de Leon Raikko Mateo

Yorme sa Jan 21 na mapapanood sa mga streaming platform

I-FLEX
ni Jun Nardo

KUMAMBIYO ang producer na Saranggola Media Productions na ipalabas sa mga sinehan ang pelikulang Yorme: The Isko Domagoso Story na naudlot ang pagpapalabas sa mga sinehan last year.

January 26 ang unang target na playdate sa sinehan eh dahil sa pagtaas ng cases ng COVID, inagahan na ang pagpapalabas ng Yorme sa January 21.

But this time, via streaming na mapapanood ang Yorme sa VivaMaxKTXph, iWantTV at sa iba pang streaming platforms.