Thursday , June 25 2026
Alden Richards Allan K

Alden at Allan nahawa sa EB ang pagiging matulungin

RATED R
ni Rommel Gonzales

SA pag-renew ng kontrata ng Eat Bulaga sa GMA Network kamakailan, binalikan ni Alden Richards ang mga aral na naituro sa kanya ng programa at kung paano ito nakatulong sa kanyang buhay at showbiz career.

Sa panayam ng Kapuso Showbiz News, sinabi ni Alden na pitong taon na siyang bahagi ng Eat Bulaga.

Pero hindi niya napapansin ang mabilis na pagdaan ng taon lalo na kung nai-enjoy niya ang kanyang ginagawa.

Para kay Alden, nahawa siya sa prinsipyo ng Eat Bulaga pagdating sa pagtulong sa mga tao.

Ang objective talaga minsan kapag pumapasok kami sa show hindi na work, aside from the fact na we considered ‘Eat Bulaga’ as second home pero ‘yung marami kaming mapapasaya na dabarkads at marami kaming matutulungan,” ayon sa aktor.

Sabi pa ni Alden, malaki ang nabago sa buhay niya sa nakalipas na pitong taon, “at malaking bahagi po roon ang ‘Eat Bulaga.’”

Samantala, sinabi naman ni Ryzza Mae Dizon na kabilang sa natutunan niya sa pagiging EB dabarkads ang patuloy na mangarap.

Tuloy-tuloy lang po ang pangarap mo… sa pag-abot sa pangarap. Kasi ang ‘Eat Bulaga’ po ang tumupad sa lahat ng pangarap ko,” anang dating sumali sa Miss Little Philippines contest ng programa.

Si Allan K naman, natutunan sa Eat Bulaga ang tumulong ng walang hinihintay na kapalit.

Kapag nagbigay ka sa mga viewer ‘wag kang mag-expect ng something in return. Kasi sa totoong buhay, kahit wala ka sa tv, kapag nagbigay ka… bigay mo buong puso. ‘Wag kang mag-expect ng anik-anik kasi hindi na ‘yon makatotohanan,” paliwanag niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Renz Verano Hiram

Renz Verano klik pa rin, bagong kanta inilunsad

MATABILni John Fontanilla LABIS-LABIS na nagpapasalamat si Renz Verano sa suporta at pagmamahal ng kanyang mga tagahanga. …

Coco Martin Julia Montes Sigabo

Sigabo ni Coco pang-internasyonal, Unang episode nakakuha 404,124 peak concurrent viewers

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IBA talaga kapag Coco Martin ang nagbida sa isang action series samahan mo …

Bam Aquino BINI

Bam Aquino sinamahan anak na si Rory at mga kaibigan sa BINI concert

IPINAGDIWANG ni Senador Bam Aquino ang Father’s Day kasama ang kanyang anak na si Rory at mga kaibigan nito …

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …