Saturday , July 27 2024
Dolphy Vandolph Quizon Eric Quizon Epy Quizon

Quizon CT clean funny humor, tribute ng magkakapatid kay Mang Dolphy

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NATUTUWA ang Net 25 executive na si Caesar Vallejos dahil ang gag show na Quizon CT na tampok ang magkakapatid na Eric, Epy, at Vandolph Quizon kasama si Jenny Quizon ang isa sa mga top-rater ng kanilang network mula nang mag-premiere ito noong Enero 9.

Hindi naman nakapagtataka dahil ang Quizon CT ay hitik sa nakaaaliw na jokes at punchlines na napapanood tuwing Linggo, 8:00 p.m. sa Net-25.

Kaya naman puno ng pasasalamat at kasiyahan ang mga anak ni Comedy King Dolphy sa Net 25 dahil sa pagmamahal at importansiyang ibinibigay sa kanila ng network na operated ng Eagle Broadcasting Corporation.

Sinabi nina Eric at Epy na sa Net 25 nila nai-pitch ang show nila dahil nag-align at nagtugma ang mga gusto nila ng network. Naghahanap din kasi ang NET 25 ng isang show na bukod sa nagbibigay ng aliw at kasiyahan ay nagsusulong din ng family values. 

Nagkataong kasama sa mga konseptong ipinitch nina Eric ang isang gag show na tumutugon naman sa hinahanap ng NET 25 hanggang sa mabuo na ang show at nag-premiere noong Linggo, January 9.

Iginiit din nina Eric, Epy, at Vandolph na gusto nilang ituloy ang legacy ng kanilang ama pagdating sa komedya. Kaya nagsisilbi ring tribute at handog para kay Dolphy ang Quizon CT.

Actually, hindi naman ito ang unang pagkakataon na magsama sa isang show nina Eric, Epy, at Vandolph dahil nagkasama na sila noon kasama ang kanilang amang si Dolphy sa sitcom na Quizon Avenue ng ABS-CBN at Pidol’s Wonderland ng TV5

Kaya nga hindi ikinaila ng magkakapatid na masaya sila na matapos ang mahigit isang dekada ay muli silang nagkasama-sama sa isang show. Ang kaibahan nga lang ay hindi na nila kasama ang kanilang ama sa Quizon CT.Kaya iniaalay nila ito sa mahal nilang daddy.

Sinabi pa ni Epy na ang Quizon CT ay, “clean funny humor, ‘yung pang-family. ‘Yung comedy ng daddy ko pampamilya. ‘Yung pwede mong upuan habang kumakain ka, Linggo kasama mo mga anak mo, ang buong pamilya. At ‘yung clean fun natatawa lang kayo, masaya lang kayo habang pinanonood iyon. Good vibes lang ba, and I think that is all of course contributed that the fact na we learned that humor from our father. ‘Yun din ang humor na makikita n’yo, ‘yun Quizon family humor.”

“And also something na we also want to incorporate the kasi ang daddy ko mahilig din ‘yun sa visuals kung minsan walang masyadong salita pero visually nakakatawa, so we are trying to emulate that. Basically, ang gusto lang talaga namin ‘yung after nine years we still want to continue his legacy. ‘Yun lang naman ang sa amin,” giit pa ni Eric.

Kasama rin nila sa Quizon CT sina Martin Escudero, Bearwin Meily, Gene Padilla, Garry Lim, Tanya, Charuth, Billie Hakenson at iba pa. Ito ay idinirehe ng magkapatid na Eric at Epy.

Kaya kung gusto ninyo ng good laugh, watch na ng Quizon CT tuwing tuwing Linggo, 8:00 p.m. sa Net 25.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ruru Madrid Coco Martin

Ruru gagayahin si Coco magdidirehe at magpo-produce

RATED Rni Rommel Gonzales NADISKUBRE namin na may ambisyon pala si Ruru Madrid na maging isang producer. …

Binibining Pilipinas PlayTime Binibini

PlayTime sanib-puwersa sa 60th Binibining Pilipinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALUGOD na inihayag ng PlayTime, ang mabilis na lumalagong 24/7 online …

Puregold Cinepanalo Film Festival 2025

2nd Puregold Cinepanalo mas pinalaki, mabibiyayaan ng grant dinagdagan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio  MAS pinalaki, mas pinalawak. Ito tila ang gustong tahakin ng …

Quinn Carillo Christine Bermas Itan Rosales Kaskasero

Christine Bermas at Itan Rosales, unang nagkatikiman sa pelikulang Kaskasero

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio UNANG nagkasama sa isang project sina Christine Bermas at Itan …

Mark Anthony Fernandez Mariane Saint Carby Salvador

Mark Anthony bokya kay Mariane

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI issue kay Mark Anthony Fernandez kung nagpapakita siya ng skin sa …