Wednesday , January 26 2022
Phoebe Walker The Buy Bust Queen

Phoebe Walker, proud sa pelikulang The Buy Bust Queen

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

TAMPOK sa pelikulang The Buy Bust Queen si Phoebe Walker. Ngayong January na ito mapapanood sa mga sinehan.

Bukod kay Phoebe, kasama rin sa The Buy Bust Queen sina Ritz Azul, Maxine Medina, Ervic Vijandre, Alex Medina, Jeric Raval, Jeffrey Santos, Christian Vasquez, Dindo Arroyo, Ricardo Cepeda, Ayeesha Cervantes, at iba pa.

Ito ay mula sa pamamahala ni Direk JR Olinares.

Inusisa namin ang aktres kung anong klaseng training ang pinagdaanan niya sa paggawa ng pelikulang ito.

Aniya, “Nag-gun handling po kami bago ang shoot, pati mga formation kung paano pumapasok sa target location and how we cover each other’s back. Kasama po naming mga artista talaga ay mga totoong PDEA agents, kaya very legitimate ‘yung movements namin as a unit.”

Mas matindi pa raw ang ginawa niyang preparasyon sa pinagbibidahang pelikula, kompara nang nang-guest siya sa serye ni Coco Martin na FPJ’s Ang Probinsyano.

Esplika ni Phoebe, “Mas intense po ang experience ko rito, hehehe. Kasi siyempre, main part ako ng story, halos all the scenes kasali ako. Nakakapagod pero sobrang fulfilling talaga siya.

“Hard action… barilan, habulan, all geared-up kami and totoong mga rifle ang gamit namin, kaya tumatakbo kaming more or less 10kg ang bitbit.

“Pero ang perspective ko kasi, ako ang nakikisama sa PDEA, privilege ko ‘yun na ma-experience ang ginagawa nila araw-araw. Nakabibilib po,” bulalas pa ni Phoebe.

Paano niya ide-describe ang pelikula? Isa ba itong advocacy movie sa campaign ng PDEA kontra droga?

Tugon ng magandang aktres, “Yes po, in partnership with PDEA, lalabas din sa movie si PDEA Dir. Gen. Wilkins Villanueva. Ipapakita po rito kung paano nagke-carry out ng operation ang PDEA at ano ang core values ng agency.

“Abangan n’yo po itong aming pelikula dahil ito po ay punong-puno ng aksiyon at aral.

“Siyempre, may love story din sa gitna po nitong movie,” nakangiting wika ni Phoebe.

“Ang love interests ko po ay sina Ervic Vijandre and Alex Medina, ‘Ika nga may pag-ibig sa PDEA, hahaha!” nakatawang saad niya.

Pahabol pa niya, “Inside joke po sa PDEA kasi, may nagkakatuluyan daw talagang agents.”

Anong klaseng excitement ang na-feel niya nang nalamang siya ang magbibida rito?

Sagot ng aktres, “Excitement na may kasamang kaba at anxiety nga po, e, hahaha! Dahil unexpected, pero happy ako dahil sa movie na Double Barrel na-inject ako sa mundo ng action. Tapos nakasali rin ako sa seryeng Ang Probinsyano, kaya feel ko kahit paano may credibility na akong mag-action, hahaha!”

Nabanggit din niya kung gaano siya ka-proud sa pelikulang The Buy Bust Queen.

“Sobrang proud po ako sa movie namin dahil maraming nagsanib-puwersa to make this movie a reality. Supported din po ito by PRRD, sana ‘di maudlot pero pupunta raw po siya sa premiere night, maybe by the end of this month,” nakangiting saad ni Phoebe.

About Nonie Nicasio

Check Also

Sean de Guzman

Sean miss na ang pagsasayaw
BIBIDA NAMAN SA ISANG SERIES

NAKAUSAP ko si Sean de Guzman lately in a serious note. Totoo palang miss na miss na rin …

Alden Richards ForwARd Meet Richard R Faulkerson Jr

Alden nagbahagi ng masayang experience ng kanyang US vacation

RATED Rni Rommel Gonzales NITONG Biyernes, January 21, muling napanood sa Mars Pa More ang Asia’s Multimedia …

Zaijian Jaranilla

Zaijian Jaranilla paborito ng ABS-CBN

MA at PAni Rommel Placente BONGGA si Zaijian Jaranilla huh? Mukhang paborito kasi siya ngayon ng ABS- CBN. …

Francine Diaz ASAP Natin 'To

Francine trending ang birthday prod sa ASAP

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga BONGGA ang solo production number ni Francine Diaz sa ASAP Natin ‘To nitong Linggo, January …

Perci Intalan Gameboys S1

Direk Perci nagpaliwanag kung bakit wala na sa YouTube ang Gameboys S1

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga NAGTAKA at nabigla ang maraming Gameboys fans at supporters kung bakit nawala na …