KD Estrada Alexa Ilacad Eian Rances

Alexa at KD mas malakas ang chemistry

MA at PA
ni Rommel Placente

DALAWA ang ipinapareha ngayon kay Alexa Ilacad, si Eian Rances at si KD Estrada. At parehong tanggap ng  mga tagahanga sina Eian at KD para kay Alexa.

Pero kung kami ang tatanungin, mas bagay, at sa tingin namin ay mas magki-click ang loveteam nina Alexa at KD. Ang lakas ng chemistry nila noong napanood namin sila na kumakanta sa ASAP Natin ‘To. Bagay na bagay talaga ang dalawa, sa totoo. Kaya sana ay sila na nga lang ang gawing loveteam ng ABS-CBN.