Wednesday , June 12 2024
Mark Lapid Howard Guintu Lito Lapid Pinuno Partylist

Sen Lito sampalataya sa adhikain ng Pinuno Partylist

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

INAMIN ni Sen. Lito Lapid na siya ang nagbigay ng pangalang Pinuno sa partylist na kanyang sinusuportahan. Pinuno ang bansag kay Sen. Lito sa karakter na ginampanan niya sa FPJ’s Ang Probinsyano na sumikat naman talaga.

Pero nilinaw ng senador na hindi siya ang first nominee nito dahil senador pa rin siya hanggang 2025. Malaki lamang ang simpatya niya at paniniwala sa first nominee nitong si Howard Guintu kaya kaisa siya sa pangangampanya para sa Pinuno Partylist na no 38 sa balota.

Ani  Sen. Lito, naniniwala siya sa magandang layunin ng grupo, ang pabahay para sa mahihirap.

Sinabi rin ni Guintu na layunin nila na mabigyan lahat ng matibay na bahay ang bawat mamamayan na hindi kayang igupo ng bagyo.

At bagamat may ahensiyang nangangasiwa para sa pabahay sa mahihirap, hindi naman daw natutugunan lahat iyon. Kaya naisip nilang bumuo ng partylist na mas mabilis makapagbibigay o agad na tutugon sa pabahay lalo na sa talagang mga nangangailangan sa buong Pilipinas.

Bukod sa pangangampanya sa party-list, abala  rin si Sen. Lito sa shooting ng pelikulang Apag kasama si Coco Martin na idinidirehe ni Brillante Mendoza.

Hindi itinago ng senador ang excitement sa muling paggawa ng pelikula lalo’t si Brillante ang magdidirehe. Matagal na pala kasi niyang pangarap na makatrabaho ang premyadong direktor at sabik na rin siyang magbalik-showbiz.

Sa kabilang banda, iginiit ng senador na marami na siyang naipasang batas hindi lamang nga iyon napapaingay. Ito’y sagot ni Sen. Lito sa mga basher na mababa ang tingin sa tulad niyang artistang Senador.

Anang senador, wala siyang social media account at hindi niya pinapatulan ang mga basher.

Marami namang magagaling na artista na politiko. Siguro, isa ako sa kinukutya dahil hindi naman ako nakapag-aral. Dahil high-school graduate lang ako, ‘di ako marunong mag-Ingles at hindi ako marunong makipag-debate sa mga magagaling dahil puro abogado ‘yun.

Pero kung sa experience, may karapatan naman na ako dahil 30 yrs na akong nanunungkulan bilang public servant.

“Nakakatatlong term na ako sa Senado. Bihira ho ang maka-tatlong term or second term na mananalo ka bilang Senador kung wala kang ginawa na mabuti sa Senado. Malalaman naman ng tao kung may ginagawa ka o wala,” giit ng senador.

Kasama ni Sen. Lito na nag-eendoso kay Guintu ang anak nitong si Mark na sampalataya ring makapaglilingkod ng tapat ang first nominee ng Pinuno Partylist.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Migz Zubiri Pope Francis

Pope Francis binulungan si Migz: Protektahan ang pamilyang Filipino

“PINAKIUSAPAN ako ni Pope Francis to ‘protect the family,’ at isasapuso ko ang sinabi niyang …

Imelda Papin PCSO

Imelda Papin kompiyansang maraming matutulungan sa kanyang Isang Linggong Serbisyo

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHAPON ang unang araw ng OPM icon at Jukebox Queen Imelda …

Grae Fernandez Pamilya Sagrado

Grae Fernandez walang kabang nakipagsalpukan kina Piolo, Tirso, at Mylene

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI agad namin nakilala si Grae Fernandez nang mapanood ito sa celebrity …

Pastor Quiboloy

Warrant of arrest isinilbi vs Quiboloy, 5 iba pa

NAGTUNGO ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at Special Action Force (SAF) …

Bagong Pilipinas Hymn

Hymn at pledge ng Bagong Pilipinas pang-Executive lang — SP Escudero

TAHASANG sinabi ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na hindi maaring ipilit sa senado, sa …