Friday , August 12 2022
Winwyn Marquez Nelia cast

Pelikulang Nelia at pagbubuntis, 2 regalo kay Winwyn Marquez ngayong Pasko

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ITINUTURING ng beauty queen turned actress na si Winwyn Marquez ang pinagbibidahang pelikulang Nelia at ang kanyang pagbubuntis ay dalawang regalo sa kanya ngayong Pasko

Inamin ni Winwyn na buntis na siya. Naganap ang inaabangang rebelasyon ng aktres sa grand presscon ng Nelia, ang Metro Manila Film Festival entry ng A&Q Films na magsisimula sa December 25.

Nabanggit ng aktres na excited siya sa itinuturng niyang espesyal na regalong natanggap ngayong Pasko.

Wika ni Winwyn, “Yes, I am expecting and I’m very-very excited sa dalawang Christmas gift, na I couldn’t ask for more talaga, ang Nelia na first title role ko and  now, the title role of being a mother.”

Ibinahagi pa ng aktres na six months pregnant na siya sa kanyang non-showbiz boyfriend.

Esplika niya, “I tried to… siyempre gusto ko muna siyang itago hanggang hindi pa sure lahat, hindi ba? I want it to keep it for me and for my family to enjoy muna. Pero siyempre, hindi ko rin naman ini-expect na lalabas ang Nelia sa MMFF.

“And I took it siguro as a sign na lang din na i-share, kasi mahirap din naman talagang itago. Kailangan ko rin talagang tulungan yung film to promote kahit online at gusto ko rin talagang makapunta sa presscon and be with everyone, ‘di ba? Kahit pa medyo nag-a-adjust pa yung body ko with everything.”

Aniya pa, “I’m actually on my second trimester, medyo sa dulong-dulo na kaya medyo kabado… kasi siyempre, hindi rin ako lumalabas masyado.”

Ayon pa sa 2017 Reina Hispanicoamericana, kanin daw ang kanyang pinaglilihian.

“Kanin… ewan ko ba. Kada breakfast, lunch, at dinner ay may kanin. Tuyo, suka… ganoon,” nakatawang saad pa niya.

Dahil suwerte nga raw ang buntis, nag-e-expect ba siyang manalo ng award sa MMFF para sa pelikulan Nelia?

“Ma-nominate lang po ako, baka magpakain na po ako. Kahit hindi po manalo, kahit ma-nominate lang po, ibang level na po iyon. Kasi never naman po ako nag-e-expect, kasi ang gusto ko lang po ay mapanood ng tao yung Nelia at ma-appreciate po nila iyong film namin. Iyon po talaga ang mas importante sa akin.” 

Ang pelikulang Nelia ay hinggil sa mental illness, depression, and anxiety. Ito’y hatid ng A and Q Productions Films Incorporated nina Atty. Aldwin Alegre at Atty. Melanie Honey Quiño.

Bukod kay Winwyn, tampok din sa Nelia sina Raymond Bagatsing, Mon Confiado, Dexter Doria, Ali Forbes, Sarah Javier, at iba pa, sa pamamahala ni Direk Lester Dimaranan.

Incidentally, good news dahil tila marami ang naiintriga sa pelikulang Nelia. Balita kasi namin ay umabot na sa almost 2.5 million views ang official trailer ng pelikula.

Inilabas noong December 1 ang naturang trailer sa official Facebook page ng Nelia at sa loob lang ng 36 oras ay nakakuha na agad ito ng mahigit 1 million views.

Sa trailer ng Nelia ay makikitang nababalot ng misteryo ang Room 009 sa ospital na nagtatrabaho si Nurse Nelia (Winwyn). Ang siste kasi, lahat ng pasyenteng natotoka sa nasabing room ay namamatay.

Kaya kami man ay talagang excited nang mapanood ang Nelia.

Actually, isa pang nabalitaan namin, ang producer ng Nelia na sina Atty. Honey at Atty. Aldwin ay pinaghahandaan na ang posibilidad na magkaroon ng part-2 ang nasabing pelikula! 

About Nonie Nicasio

Check Also

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Janine Gutierrez, Paulo Avelino

Rayver umamin nililigawan si Julie Anne

UMAMIN na ang Kapuso actor na si Rayver Cruz na nililigawan na niya ang Asia’s Limitless Star …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Baguhang male star naiskuran ni direk

ni Ed de Leon MATINO naman talaga nang pumasok sa showbusiness ang isang baguhang male star. …

Aga Muhlach

Happy birthday, Aga!

HATAWANni Ed de Leon ISIPIN ninyo, ngayong araw na ito, 53 years old na pala …

Lydia de Vega

Lydia de Vega ginupo rin ng cancer

HATAWANni Ed de Leon NAKALULUNGKOT ang mga balita nitong linggong ito. Naunang nabalita si Cherie Gil na …

Chloe Jenna Christine Bermas Milana Ikemoto

Chloe Jenna nahirapan makipaghalikan kay Christine 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MULING sumabak sa pagdidirehe ng sexy ang singer/aktor na si Jeffrey …