Friday , January 27 2023
Jelai Andres REIKO and KENZEN Beautéderm Health Boosters

Jelai katuwang ng Beautederm sa pag-promote ng healthy body

MATABIL
ni John Fontanilla

ANG magandang kalusugan ng mga Pinoy ang unang prioridad ng Beautederm kaya naman patuloy ito sa pagpo-promote ng healthy living and this time katuwang ang aktres, Youtube content creator, at social media personality na si Jelai Andres na pinakabagong dagdag bilang brand ambassador ng Reiko and Kenen Beautéderm Health Boosters– ang pinakabago nilang health supplements. 

May 17.7 million ang consolidated followers ni Jelai sa kanyang Facebook, Instagram, YouTube, at Twitter platforms at dahil dito isa siya sa pinaka-prominenteng influencer sa social media ngayon. 

Ang malaking following ni Jelai sa social media ang nagbigay daan sa kanyang very promising career bilang isang aktres na lumabas na sa pelikulang Feelennial noong 2019 gayundin sa mga top-rating serye ng Kapuso Network gaya ng One of The Baes at Owe My Love pati na rin sa YouTube short films na Barang at Sama Ka.

Ayon kay Jelai, ”Maligaya ako I feel so blessed as I am grateful and excited ngayong bahagi na ako ng Beautéderm.

”I am honored that Beautéderm trusted me to represent REIKO and KENZEN Beautéderm Health Boosters as its brand ambassador.”

Dagdag pa nito, ”Importante sa akin ang tamang oras ng pagtulog, uminom ng maraming tubig, at siyempre healthy diet. Mahalaga rin ang outlook. Sinisiguro ko na lagi akong nakangiti at masaya. Siyempre, kailangan ko ang aking daily dose ng REIKO and KENZEN Beautéderm Health Boosters para maharap ko ang aking araw at makompleto ko ang mga dapat kong gawin araw-araw ng mayroong vigor at vitality.”

Ayon naman sa CEO & President ng Beautederm na Ms Rhea  Anicoche-Tan, ”We are so happy to have Jelai as our newest Beautéderm brand ambassador.

“Very expansive ang reach ni Jelai sa social media at malaking tulong ito upang maikalat namin ang message na each one of us should take charge of our health if we are to live our life to the fullest. Very professional si Jelai and she takes so much pride in the work that she does and I admire her very much for that.”

Ang paglulunsad  ng REIKO and KENZEN Beautéderm Health Boosters ay kasabay sa on-going 12th anniversary celebration ng Beautéderm na nagsimula noong Agosto 2021 at nataon din ito sa birthday celebration ni Rhea na nangyari noong Nobyembre.

“My team and I have been working on REIKO and KENZEN Beautéderm Health Boosters for over a year now,” ayon kay Rhea. ”The pandemic has taught and reminded us so many things – that we should be grateful for all the many blessings God continues to shower to all of us, that family is very precious, and that we should always take care of our health. We need to boost our immune system and take care of not just of our bodies but also our minds as well. Ang REIKO and KENZEN Beautéderm Health Boosters ay ang aking maliit na kontribusyon to make sure that everyone is in tiptop shape and healthy. Tama si Jelai na kailangan natin ng vigor and vitality in accomplishing our daily tasks and REIKO and KENZEN Beautéderm Health Boosters is here to help us live the healthy lifestyle that we all deserve.”

About John Fontanilla

Check Also

Jose Guilas

Jose Guilas ng PTV4 napansin ang galing, nominado sa 35th Star Awards

COOL JOE!ni Joe Barrameda MARAHIL iilan lang ang nakakikilala kay Jose Guilas, isa sa news anchor …

Dianne Medina Rodjun Cruz Baby

Dianne wish ng isa pang anak

COOL JOE!ni Joe Barrameda MASAYA si Dianne Medina sa estado niya ngayon bilang isa sa news reporter …

LA Santos

LA Santos nominado sa 35th Star Awards for TV 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MABAGAL man ang pag-usad ng career ni LA Santos maituturing na blessings …

Hello, Universe

Janno sinuportahan nina Ogie at Ronaldo Valdez (sa premiere night ng Hello, Universe!)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio IBANG klase talaga ang pagkakaibigan nina Janno Gibbs at Ogie Alcasid dahil sinuportahan ng …

Lito lapid Jessie Chua Mark Lapid

Sen Lito kay Jessie Chua — Ginawa niya akong tao mula sa ordinaryong stuntman

I-FLEXni Jun Nardo MALAKI ang nagawang tulong ng movie producer na si Jessie Chua para magkaroon ang …